Tatlo sugatan sa pamamaril sa inuman sa Baliwag, suspek agad naaresto

Tatlo sugatan sa pamamaril sa inuman sa Baliwag, suspek agad naaresto

  • Isang mainit na alitan sa isang inuman sa Barangay Tibag, Baliwag City, Bulacan ang nauwi sa pamamaril kung saan tatlong lalaki ang nasugatan
  • Ayon sa pulisya, sinuntok muna ng suspek ang isa sa mga biktima bago ito bumunot ng baril at nagpaputok
  • Agad tumawag ang mga saksi sa mga awtoridad na mabilis rumesponde at nakahuli sa suspek sa loob lamang ng limang minuto
  • Narekober mula sa tahanan ng suspek ang ginamit na baril at motorsiklong ginamit sa pagtakas, at siya ay nahaharap ngayon sa kasong frustrated h0micide

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang mainit na inuman ang nauwi sa matinding gulo matapos bumunot ng baril ang isang lalaki at pagbabarilin ang kanyang mga kainuman sa Barangay Tibag, Baliwag City, Bulacan. Tatlo ang nasugatan habang ang suspek ay agad na naaresto sa loob lamang ng ilang minuto, salamat sa mabilis na aksyon ng mga pulis at kooperasyon ng mga residente.

Tatlo sugatan sa pamamaril sa inuman sa Baliwag, suspek agad naaresto
Tatlo sugatan sa pamamaril sa inuman sa Baliwag, suspek agad naaresto (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon kay PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), nagsimula ang lahat sa isang mainit na argumento habang nag-iinuman. “’Yung isa sa mga victims sinuntok ng suspek. From there, itong suspek, bumunot ng baril at pinagbabaril ‘yung tatlong victims natin,” pagbabahagi niya. Nang makaputok ang suspek, agad itong tumakas gamit ang motorsiklo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi naman nag-aksaya ng oras ang mga residente—tumawag agad sila sa mga awtoridad. Sa loob lamang ng limang minuto, narating ng mga pulis ang lugar at inilunsad ang hot pursuit at dragnet operation. Dahil sa tip ng isang testigo, natunton ng mga pulis ang suspek sa kanyang tahanan. Doon nila narekober ang baril at motorsiklong ginamit niya sa pagtakas.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ang suspek at sasampahan ng frustrated h0micide. Pinuri ng PRO3 ang mabilis na aksyon ng Baliwag police at binigyang-diin ang kahalagahan ng public cooperation. Hinikayat din ni Peñones ang publiko na gamitin ang emergency hotline na 911 para sa mabilis na tugon. “Napakabilis. I’m encouraging na gamitin na natin ito dahil ito na ang established platform natin,” dagdag pa niya.

Ang mga inuman na nauuwi sa karahasan ay hindi na bago sa balita. Kadalasan, ang impluwensiya ng alak ay nagiging mitsa ng matitinding away, lalo na kapag may pinagsama-samang emosyon at armas. Bagama’t tila simpleng bonding ang inuman para sa marami, hindi maikakailang delikado ito kapag nasamahan ng hindi kontroladong damdamin at galit.

Sa isang hiwalay na insidente sa Antipolo, arestado rin ang isang lalaki matapos ang isang road rage incident na nauwi sa pamamaril. Sa kasamaang-palad, isa sa mga natamaan ay ang mismong asawa ng suspek. Base sa ulat, mainit ang naging bangayan ng dalawang motorista na nauwi sa trahedya. Ipinapakita nito na sa isang iglap, ang init ng ulo ay maaaring mauwi sa kapahamakan.

Samantala, isang lalaking natalo sa E-bingo ang nagwala at nanaksak ng sekyu at namaril pa ng kahera sa loob ng isang pasugalan. Dahil sa bugso ng damdamin, ilang inosenteng tao ang nadamay sa kanyang galit. Muli nitong pinapatunayan ang peligro ng galit na hindi mapigilan—lalo na kung may kasamang armas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate