Estudyante, binugbog matapos aksidenteng mahawakan ang kamay ng GF ng isa sa mga salarin
- Isang estudyante ang binugbog ng tatlong menor de edad sa Zamboanga City matapos umano niyang aksidenteng mahawakan ang kamay ng girlfriend ng isa sa mga salarin
- Nakuhanan ng video ang insidente sa isang covered court sa Barangay Cabatangan, kung saan makikitang pinagsusuntok at pinagsisipa ang biktima
- Ayon sa biktima, hindi niya sinasadya ang paghawak at nagulat na lang siya nang bigla siyang saktan ng tatlong kabataan
- Nakikipag-ugnayan na ang Barangay Council for the Protection of Children sa mga magulang ng mga sangkot na may edad 11 hanggang 14
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Binugbog ng tatlong menor de edad ang isang lalaking estudyante matapos umano nitong aksidenteng mahawakan ang kamay ng girlfriend ng isa sa mga nambugbog sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City.

Source: UGC
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, makikita sa isang video na kuha sa isang covered court ang marahas na pananakit sa biktima.
Sa naturang footage, pinagsusuntok at pinagsisipa ang estudyante ng tatlong kapwa menor de edad.
Ayon sa mga awtoridad, nakausap na nila ang biktima at nakuhanan ng salaysay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Hindi ko po sinasadya. Aksidente lang po talaga. Nahawakan ko po 'yung kamay niya habang naglalakad,” pahayag ng biktima, na tumutukoy sa girlfriend ng isa sa mga salarin.
Dagdag pa ng biktima, bigla na lamang siyang hinarang at pinagtulungan ng tatlong kabataan matapos ang insidente.
Wala raw siyang nagawa kundi tanggapin ang pananakit dahil mag-isa lamang siya at hindi niya inaasahan ang ganitong reaksyon.
Ayon sa Barangay Council for the Protection of Children, ang mga sangkot sa pananakit ay nasa edad 11 hanggang 14.
Kasalukuyang kinikilala ang kanilang mga magulang upang maipatawag at maimbestigahan ang insidente.
Makikipag-ugnayan din ang barangay sa mga paaralan ng mga sangkot upang matiyak ang karampatang aksyon at mapigilan ang paglala ng ganitong uri ng karahasan sa mga kabataan.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh