Philippine Coast Guard, pinalagan ang balitang 'tanim-sako' ang mga nasisid nila sa Taal Lake

Philippine Coast Guard, pinalagan ang balitang 'tanim-sako' ang mga nasisid nila sa Taal Lake

  • Itinanggi ng Philippine Coast Guard ang alegasyon ng 'tanim-sako' sa kanilang operasyon sa Taal Lake
  • Kamakailan lang ay sinimulan na ng PCG ang paghahanap sa mga labi ng mga "missing sabungeros"
  • Ito ay dahil sa pahayag ni alyas "Totoy" na ang mga labi ng mga nawawalang mga sabungero ay itinapon umano sa Taal Lake
  • Nung nakaraan lamang ay may mga nasisid ang mga tauhan ng Philippine Coast Gurad na sako na naglalaman ng mga buto ng tao
24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Itinanggi ng Philippine Coast Guard ang alegasyon ng 'tanim-sako' kaugnay ng kanilang operasyon sa Taal Lake.

Kamakailan, sinimulan ng PCG ang paghahanap sa mga labi ng mga "missing sabungeros" bilang tugon sa pahayag ni alyas "Totoy" na itinapon umano ang mga katawan ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.

Ayon sa impormasyong ito, agad nagsagawa ng search operation ang PCG.

Kamakailan din ay may nasisid ang Philippine Coast Guard na sako na naglalaman umano ng mga buto ng tao.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"If our commitment to the search were that shallow, we wouldn't put them in such danger. We pour our heart and mind into this. Every time we conduct a dive, half of the diver's body is exposed to danger. This is no joke, and what we're doing should not be taken lightly or reduced to mere speculation," ani Philippine Coast Guard SOUTHERN TAGALOG COMMANDER, GERONIMO TUVILLA.

Tingnan ang Facebook post ng Abante Tonite sa ibaba para malaman pa ang karagdagang detalye tungkol sa balitang ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: