Grade 5 na batang babae, hinalay umano ng 48-anyos na lalaki sa loob ng CR ng isang gasolinahan
- Isang Grade 5 student ang umano'y hinalay ng isang 48-anyos na lalaki sa loob ng CR sa isang gasolinahan sa Marikina City
- Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa '24 Oras' sa GMA 7, nagta-trabahao ang umano'y suspek sa convenience store sa gasolinahan
- Sa kanyang panayam, sinabi ng umano'y suspek na nag-ahit lang siya sa loob ng CR ng babae dahil ito raw ay maaliwalas
- Dagdag pa niya, ni-lock niya ang pinto dahil buong akala niya ay walang ibang tao sa loob ng banyo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Isang Grade 5 student ang umano'y hinalay ng isang 48-anyos na lalaki sa loob ng CR sa isang gasolinahan.
Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa '24 Oras' sa GMA 7, nagtatrabaho ang umano'y suspek sa convenience store na matatagpuan sa loob ng gasolinahan.
Sa kanyang panayam, iginiit ng suspek na nag-ahit lamang siya sa loob ng CR ng babae dahil sa umano’y pagiging maaliwalas ng lugar.
Idinagdag pa niya na ni-lock niya ang pinto dahil inakala niyang wala nang ibang tao sa loob ng banyo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, kilala niya raw ang bata at madalas niya itong nakikita na namamalimos.
Nagkataon lang din daw na naruon na ang mga pulis paglabas niya ng CR. Mariin niya ring itinanggi na hinalay niya ang Grade 5 student na babae.
Ayon naman sa isa pang menor-de-edad na lalaki na na-interview ng GMA Integrated News, natutulog daw siya malapit sa CR.
Nagising raw siya dahil may narinig siyang sigaw ng babae na galing umano sa CR.
Kasalukuyang nakakulong ang umano'y suspek sa Marikina City Police Custodial Facility na sasampahan ng kasong statutory rape.
Watch the report in the video below (BABALA: SENSITIBONG BALITA):
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh