Habal-habal driver, sinaksak ng gunting ang taxi driver matapos ang sagutan sa daan
- Sugatan ang isang taxi driver matapos saksakin ng gunting ng habal-habal driver na nakaalitan niya sa Matina Crossing
- Nagsimula ang alitan matapos umanong muntik madisgrasya ang taxi sa pag-overtake ng habal-habal
- Unang nagkasagutan at nagsuntukan ang dalawa pero agad din silang naawat ng mga residente at police auxiliary
- Habang akala'y tapos na ang insidente, bumaba muli ang habal-habal driver sa traffic light at sinaksak ang taxi driver
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi inaasahan ng mga nakasaksi sa Matina Crossing, Davao City, ang matinding tensyon na nauwi sa pananaksak gamit ang gunting nitong Linggo ng gabi, Hulyo 6, 2025. Sa video na kumakalat sa social media, makikita ang pagtatalo ng isang taxi driver at isang habal-habal driver. Galit na galit ang taxi driver na tila hinahamon ng suntukan ang kanyang nakaalitan.

Source: Facebook
Nagbaba ng helmet ang habal-habal driver at agad itong ibinato sa taxi driver, dahilan upang humantong ang sagutan sa pisikal na komprontasyon. Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, tagapagsalita ng Davao City Police, nagsimula ang lahat sa simpleng isyu sa trapiko. “As per alleged ng taxi driver, biglang sumulpot itong habal-habal driver sa gilid niya... muntik nang madisgrasya itong vehicle,” pahayag ni Tuazon. Sa gitna ng tensyon, agad naman silang inawat ng mga police auxiliary at ilang residente.
Gayunman, hindi doon nagtapos ang bangayan. Sa muling paghaharap ng dalawa habang nakahinto ang mga sasakyan sa traffic light ng Barangay Matina Crossing, biglang bumaba ang habal-habal driver, binuksan ang taxi, at sinaksak ang driver gamit ang gunting. “Kino-confront ulit ng habal-habal driver itong taxi driver at sinaksak gamit ang gunting,” dagdag pa ni Tuazon.
Tumakas ang suspek matapos ang pananaksak at iniwan ang kanyang motorsiklo. Ngunit makalipas ang mahigit dalawang oras, naaresto rin siya sa isinagawang hot pursuit operation. Siya ngayon ay nahaharap sa kasong frustrated h0micide.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang insidente ay isa lamang sa patuloy na tumitinding problema ng road rage incidents sa Pilipinas. Sa mga nagdaang taon, maraming kaso ng karahasan sa kalsada ang naitala, kung saan simpleng away sa trapiko ang nauuwi sa pananakit, at minsan pa'y sa kamatayan. Kadalasang sanhi nito ay stress, init ng ulo, kakulangan sa disiplina sa kalsada, at mabigat na daloy ng trapiko. Dahil dito, panawagan ng marami na higpitan ang implementasyon ng batas trapiko at paigtingin ang mga programang nakatuon sa anger management para sa mga driver.
Isang babae ang gumamit ng baseball bat para basagin ang pinto ng isang pampasaherong bus sa Pasay City matapos umano ang hindi pagkakaunawaan sa kalsada. Ang insidente ay nakuha sa dashcam ng bus at agad kumalat online. Maraming netizens ang nagpaabot ng galit at pagkabahala sa aksyon ng babae. Ayon sa mga ulat, kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente ng pulisya.
Isang empleyado ng Lapu-Lapu City Hall ang iniulat na nasangkot sa road rage incident kung saan nagkaroon ng mainitang sagutan at sapakan sa kalsada. Agad namang umaksyon ang lokal na pamahalaan at sinabing iimbestigahan nila ang insidente, lalo pa’t nakadokumento ito sa video. Sinabi ng ilang testigo na nagsimula ang alitan dahil sa gitgitan sa kalsada. Kinondena naman ng netizens ang kilos ng city hall employee.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh