TNVS driver, hinoldap at brutal na pinatay ng 3 niyang pasahero; bangkay, hindi pa nakikita

TNVS driver, hinoldap at brutal na pinatay ng 3 niyang pasahero; bangkay, hindi pa nakikita

  • Isang TNVS driver ang hinoldap at pinaniniwalaang pinatay ng 3 niyang naging pasaherong lalaki
  • Sa kuha ng CCTV at batay sa ulat ng '24 Oras' sa GMA 7, madaling araw ng Mayo 18 nang i-pickup ng biktima ang 3 suspek mula sa isang building sa Parañaque City
  • Hindi sumakay sa sasakyan ang mismong nag-book ng sasakyan sa ride-hailing app
  • Umalis na ang sasakyan pero bumalik ito sa pick-up point, duon na nakuhanan sa camera na may kinuhang kutsilyo ang bumabang pasahero mula sa halamanan
24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Mark D'aiuto on Pexels
24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube Mark D'aiuto on Pexels
Source: Youtube

Isang TNVS driver ang hinoldap at pinaniniwalaang pinaslang ng tatlo niyang pasaherong lalaki.

Batay sa CCTV footage at sa ulat ng '24 Oras' ng GMA 7, madaling araw ng Mayo 18 nang sunduin ng biktima ang tatlong suspek mula sa isang gusali sa Parañaque City.

Hindi sumama sa biyahe ang mismong nag-book ng sasakyan gamit ang ride-hailing app.

Umalis na ang sasakyan pero kalaunan ay bumalik ito sa pinanggalingang pick-up point, kung saan nakuhaan ng camera na may kinuha ang isa sa mga pasahero—isang kutsilyo mula sa halamanan—bago ito tuluyang umalis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Atty. Joseph Martinez, NBI agent na naatasan sa kaso, patungo umanong Molino, Bacoor, Cavite ang sasakyan.

Pagdating sa drop-off point, nagpatuloy umano ang sasakyan sa pagtakbo imbis na huminto.

Sa kuha ng dashcam, dinig sa audio na na-holdap na ang biktima at iba na ang nagmamaneho ng sasakyan.

Dinig sa audio ng dashcam ang pagkuha ng mga suspek sa cellphone ng biktima at maging ang brutal na pagpatay sa kanya.

Dagdag pa ni Atty. Martinez, dinig rin sa audio ang mga salitang "saksak" at ang pagpapahirap ng mga biktima sa suspek.

Sa isa pang kuha ng CCTV sa Valenzuela City pasado alas dos ng hapon nuong Mayo 18, kita ang pagparada ng sasakyan ng biktima at pagbaba ng 2 sakay nito.

Sumakay daw ang mga suspek sa isang pedicab at kinalaunan sa isa pang sasakyan.

Tukoy na daw ng NBI ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Samantala, hindi pa rin nahahanap ang katawan ng biktima.

Panuorin ang kabuuan ng balita sa bidyo ng '24 Oras' (BABALA: SENSITIBONG VIDEO AT AUDIO):

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: