Konduktor ng bus, ilang beses na kinagat ng pasahero na may mental disorder umano
- Isang konduktor ang nagtamo ng ilang kagat sa braso mula sa isang pasahero na may mental disorder umano
- Sa ulat ng 24 Oras, ipinakita ang video ng insidente, pati na ang mga aktwal na kagat sa braso ng konduktor
- Nangyari ang insidente sa EDSA bus carousel
- Ayon sa konduktor, galling Quezon ang pasahero papuntang Guadalupe at pumagitna siya rito nang ambahing kakagatin niya ang isang bata
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang konduktor ng bus ang nagtamo ng ilang kagat sa braso matapos siyang kagatin ng isang pasahero na pinaniniwalaang may mental disorder.
Nangyari ang insidente sa EDSA Bus Carousel at iniulat ito sa programang "24 Oras," kung saan ipinakita rin ang aktwal na video ng kaguluhan at ang mga sugat na tinamo ng biktima.

Source: Youtube
Ayon sa konduktor, sumakay ang pasahero mula Quezon patungong Guadalupe.
Napansin niyang bigla itong pumagitna at tila aambang kakagatin ang isang batang pasahero.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil dito, mabilis siyang namagitan upang maprotektahan ang bata, ngunit sa halip ay siya ang kinagat ng pasahero sa braso.
Agad na nagtungo ang konduktor sa pinakamalapit na health center upang magpaturok ng anti-rabies vaccine bilang pag-iingat.
Bagama’t hindi siya magsasampa ng kaso laban sa pasahero, ini-report niya ito sa barangay blotter upang maitala ang insidente.
Aniya, sana ay magkaroon ng mas maayos na pagbabantay sa mga pasaherong may mental health conditions, lalo na sa mga pampublikong sasakyan, upang maiwasan ang kaparehong insidente.
Dagdag pa niya, agad niyang namukhaan ang pasahero dahil ito rin ang sangkot sa isang viral na insidente sa bus ilang buwan na ang nakalipas.
Ang pangyayari ay muling nagpapaalala sa kahalagahan ng seguridad at maayos na pagtugon sa mga pasaherong nangangailangan ng espesyal na atensyon.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media dahil sa atensyong ibinibigay ng mga tao. Karaniwan, ang mga ganitong viral posts ay tumatagos sa damdamin ng mga netizen, at sa ilang bihirang pagkakataon, ordinaryong tao rin ang nasasangkot, kaya’t mas nakaka-relate ang marami.
Samantala, isang 61-anyos na babae ang nasawi matapos siyang masagasaan ng tatlong beses ng dalawang SUV at isang sedan sa kanto ng Illinois Street at Aurora Boulevard sa Barangay Silangan, Quezon City noong Mayo 17. Ayon sa ulat ng GMA News, una siyang nabundol ng isang SUV, at ilang sandali lang ang lumipas ay nasagasaan muli ng isa pang SUV at isang sedan. Tinitingnan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang CCTV footage at nananawagan sa mga sangkot na driver na makipagtulungan sa imbestigasyon. Nagdulot ito ng pangamba sa publiko kaugnay ng kaligtasan sa kalsada at panawagan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas-trapiko sa lugar.
Sa isa pang balita, isang 16-anyos na dalagita sa Antipolo ang nagsumbong laban sa isang drayber ng traysikel na umano’y sapilitang isinama siya sa isang hotel sa halip na ihatid siya pauwi matapos ang trabaho bandang alas-3 ng madaling-araw. Ayon sa biktima, hindi siya pinakinggan ng drayber at lalo pa raw nitong binilisan ang takbo ng traysikel, “binilisan pa niya lalo 'yung takbo ng tricycle niya, natatakot na po ako nun.” Sa hotel, makikita sa CCTV na hinahawakan ng drayber ang kanyang braso, at sinabi ng dalagita: “hihingi po sana ako ng tulong kaso natatakot po ako sa kanya.” Tumanggi ang cashier ng hotel na papasukin sila matapos maghinala na may kakaiba, kaya’t pinagbantaan ng dalagita ang drayber na isusumbong siya—agad namang tumakas ang suspek, ayon sa ABS-CBN.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh