Ginang, na-comatose matapos mabangga ng tricycle; driver, nag-abot lang umano ng P580
- Isang ginang ang na-comatose matapos siyang masagasaan ng isang tricycle
- Ang biktima at kinilalang si Perla Catalino na na-comatose dahil sa namuong dugo sa kanyang ulo
- Ayon sa ulat ng 103.1 Brigada News FM - Palawan sa kanilang Facebook account, nagbigay lang umano ng P580 ang driver ng naturang tricycle
- Dagdag pa sa ulat, nangyari ang insidente bandang 4:00PM nuong Hulyo 3, 2025 sa San Juan Road, Brgy. San Miguel, sa harap ng Ospital ng Palawan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Isang ginang ang na-comatose matapos masagasaan ng isang tricycle.
Ang biktima ay kinilalang si Perla Catalino, na na-comatose dahil sa pamumuo ng dugo sa kanyang ulo.
Ayon sa ulat ng 103.1 Brigada News FM - Palawan sa kanilang Facebook account, P580 lang umano ang ibinigay ng driver ng naturang tricycle.
Dagdag pa sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-4:00 ng hapon noong Hulyo 3, 2025 sa San Juan Road, Barangay San Miguel, sa harapan ng Ospital ng Palawan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si ginang Catalino ay nagbabantay noon sa kanyang anak na naka-confine sa ospital.
Tatawid lamang sana siya para bumili ng pagkain nang bigla siyang mabangga ng humaharurot na tricycle.
Nabagok ang kanyang ulo sa aksidente, at sa halip na tulungan siya, P580 lang ang iniabot ng drayber bago tumakas.
Sa kabila ng sakit, pinilit pa rin niyang bumili ng pagkain at bumalik sa ospital, pero pagdating sa kwarto ng anak ay nawalan na siya ng malay.
Nakatakda sanang makalabas ang kanyang anak ngayong Biyernes, ngunit si ginang Catalino ngayon ang nasa kama. Nananawagan ang pamilya na matukoy ang drayber at mapanagot ito.
Check out 103.1 Brigada News FM - Palawan's Facebook post below:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh