Ina ng isa sa mga missing sabungero umaasang managot na ang mga nasa likod ng krimen
- Si Eloisa Bohol, ina ni Kiel Daniel, nanawagan ng hustisya matapos pangalanan si Atong Ang bilang mastermind ng pagkawala ng kanyang anak
- DOJ kinumpirmang si Ang at Gretchen Barretto ay itinuturing na suspek sa kaso ng nawawalang sabungeros
- Umalma si Bohol sa tila hindi patas na pagtrato ng sistema ng hustisya sa mahirap at mayaman
- Si Ang ay naghain ng mga kaso laban sa whistleblower na si Julie "Totoy" Patidongan matapos siyang isangkot sa krimen
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Emosyonal na nanawagan ng hustisya si Eloisa Bohol, ina ng nawawalang sabungero na si Kiel Daniel Bohol, matapos pangalanan ng Department of Justice sina Charlie “Atong” Ang at Gretchen Barretto bilang mga umano’y utak sa likod ng pagkawala ng mahigit 30 sabungero.

Source: Original
Sa panayam ng DZMM Teleradyo nitong Biyernes, Hulyo 4, 2025, hindi napigilan ni Bohol ang kanyang damdamin habang sinabing umaasa siyang makokonsensiya ang mga nasa likod ng krimen.
“Sana naman, makonsensiya s'ya kasi hindi naman mga hayup ‘yung mga pinatay niya… Sana may hustisya talaga para sa aming mga mahihirap,” ani ni Bohol, tinutukoy ang mga sinasabing mastermind.
Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, si Julie “Dondon” Patidongan, o alyas “Totoy,” ang pangunahing whistleblower na nagsiwalat ng koneksyon ni Ang at Barretto sa pagkawala ng mga sabungero. Si Kiel Daniel ay isa sa mga nawala apat na taon na ang nakalilipas, at sa loob ng panahong iyon, paulit-ulit umanong tinanggihan ang kanilang mga reklamo sa kakulangan daw ng ebidensya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Sa loob po ng apat na taon, lagi po nilang sinasabi sa amin na wala kaming ebidensiya… Ngayon po ito na ang pinakahinihintay namin,” dagdag pa ng ina.
Malinaw ang hinaing ni Bohol sa tila hindi pantay na pagtrato ng sistema ng hustisya sa pagitan ng mahirap at mayaman. Aniya, habang sila ay apat na taon nang naghihintay na mabigyan ng puwang ang kanilang panig, kaagad namang tinanggap ng korte ang mga kasong isinampa ni Atong Ang laban kay Patidongan, isang araw lang matapos siyang pangalanan bilang mastermind.
“Bakit kami noon, apat na taon nang gusto naming magdemanda… Bakit ngayon na si Atong Ang, napakarami niyang kasong tinanggap kaagad ng korte. ‘Di ba po… napaka-unfair para sa aming mga mahihirap,” dagdag ni Bohol.
Samantala, sa isang press conference noong Hulyo 3, mariing itinanggi ni Ang ang mga paratang at sinabing pera lamang ang ugat ng lahat. Ayon sa kanya, sinubukan umano nina Patidongan at ng dating empleyado na si Alan Batiles na kikilan siya ng P300 milyon. “Ang puno’t dulo nito, pera,” ani ni Ang.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng DOJ at patuloy na isinusulong ng mga pamilya ng mga nawawala ang kanilang panawagan para sa katarungan.
Si Eloisa Bohol ay isa lamang sa maraming magulang ng mga nawawalang sabungero na apat na taon nang naghihintay ng hustisya. Ang kanyang anak, si Kiel Daniel, ay isa sa mga iniulat na nawala matapos lumahok sa mga iligal na e-sabong operations. Si Charlie “Atong” Ang, isang kilalang negosyante, ay madalas maiugnay sa mga sabong at iba pang negosyo, habang si Gretchen Barretto ay isang dating aktres na matagal nang nanahimik sa showbiz.
Ayon kay Julie "Dondon" Patidongan, may patong na P50 milyon sa kanyang ulo matapos niyang pangalanan si Charlie “Atong” Ang bilang mastermind sa pagkawala ng mga sabungero. Inamin niyang natatakot siya sa kanyang kaligtasan ngunit patuloy pa rin siyang nagsasalita upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima. Nagbigay din siya ng iba pang detalye sa kanyang testimonya, na ngayon ay sentro ng DOJ investigation.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang abogado ni Gretchen Barretto na mariing itinanggi ang pagkakasangkot ng aktres sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon sa legal counsel, walang ebidensyang mag-uugnay kay Barretto sa krimen at pawang paninira lamang umano ang mga akusasyon. Nilinaw rin na handa silang harapin ang anumang legal na proseso upang linisin ang kanyang pangalan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh