Pamilya ni Robin Padilla, nabahala sa online event na “sunugin si Robin”

Pamilya ni Robin Padilla, nabahala sa online event na “sunugin si Robin”

  • Naka-red alert na ang seguridad ni Sen. Robin Padilla matapos lumabas sa social media ang event na “Sunugin si Robin Padilla”
  • Labis na nabahala ang kanyang pamilya kaya’t humingi sila ng tulong sa National Bureau of Investigation
  • Napagdesisyunan nilang huwag nang ituloy ang reklamo upang hindi masabing balat-sibuyas ang isang pulitiko
  • Lumobo na sa libo-libong netizens ang nagsabing “interested” sa viral na event sa Facebook

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nabahala ang pamilya ni Senador Robin Padilla matapos lumaganap sa social media ang isang nakababahalang Facebook event na may pamagat na “Sunugin si Robin Padilla.” Ayon sa mismong post ng senador sa kanyang Facebook account noong Hulyo 3, 2025, naka-red alert na ang kanyang seguridad at maging ng kanyang pamilya dahil sa posibleng banta na maaaring samantalahin umano ng mga teroristang grupo.

Pamilya ni Robin Padilla, nabahala sa online event na “sunugin si Robin”
Pamilya ni Robin Padilla, nabahala sa online event na “sunugin si Robin” (📷Robin Padilla/Facebook)
Source: Facebook

“Ang aking buong pamilya nagkaroon ng matinding pagkabahala ng mayroong naglabas sa social media ng isang kampanya para sunugin si Robin Padilla,” saad ng senador.

Sa gitna ng pangamba, agad nakipag-ugnayan ang kampo ng senador sa National Bureau of Investigation (NBI) para i-report ang nasabing banta. Ngunit sa kabila ng seryosong hakbang, napagpasyahan ng pamilya ni Padilla na huwag nang ituloy ang reklamo. “Sa madaling salita isinangguni ng pamilya ito sa NBI para makapagbigay ng statement upang maipaalam sa kanila ang threat na siniseryoso ng aming security,” dagdag niya.

Paliwanag pa ng senador, mas pinili nilang huwag nang palakihin ang isyu sa legal na paraan upang hindi sila masabing balat-sibuyas. “Napagkasunduan ng pamilya na bitiwan ang pagreklamo ng cyberlibel dahil hindi mainam sa isang pulitiko ang maging balat sibuyas,” ani Padilla.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ugat ng isyu ang naging kontrobersyal niyang pahayag na: “Kahit sunugin mo ’ko dito, mangangamoy Rodrigo Roa Duterte ako.” Matapos nito, sunod-sunod na umusbong sa Facebook ang mga event gaya ng “Sunugin si Robin Padilla,” na ngayon ay may libo-libong “interested” na netizens.

Si Robin Padilla ay isang dating action star at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Kilala siya sa kanyang pagiging malapit sa administrasyong Duterte at madalas ring nagbibigay ng matitinding pahayag kaugnay sa kanyang mga paniniwala. Matapos ang matagumpay na karera sa showbiz, pinasok niya ang mundo ng pulitika kung saan naging aktibo siya sa pagsusulong ng mga reporma sa batas. Sa kabila ng kanyang pagiging kilala sa lakas ng loob, hindi lingid sa publiko ang malapit niyang ugnayan sa kanyang pamilya, lalo na kay Mariel Rodriguez-Padilla.

Matapos ang mainit na sagutan sa Senado, nagpakumbaba si Senador Robin Padilla at humingi ng tawad kay Senador Joel Villanueva. Nangyari ito kasunod ng kanilang diskusyon ukol sa mga isyung pang-relihiyon at paniniwala sa Senado. Ayon kay Padilla, mahalaga pa ring manaig ang respeto kahit pa may pagkakaiba sa pananampalataya.

Sa isang mas personal na kuwento, ibinahagi ni Mariel Rodriguez-Padilla ang naging karanasan nila nang ma-high blood umano si Robin matapos umuwi sa kanilang tahanan. Ayon kay Mariel, agad hinanap ni Robin ang kanilang anak, na tila nagpapakita ng lalim ng pagmamahal nito sa pamilya. Ang insidente ay nagpakita ng ibang mukha ng senador bilang isang mapagmahal na ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate