Binata, patay sa pananaksak ng asawa ng tiyahin sa Cebu; dalawang kapatid sugatan

Binata, patay sa pananaksak ng asawa ng tiyahin sa Cebu; dalawang kapatid sugatan

  • Patay ang 18-anyos na binata matapos pagsasaksakin ng asawa ng kaniyang tiyahin sa Asturias, Cebu
  • Nadamay sa pananaksak ang 10 at 8 taong gulang na kapatid ng biktima habang sila ay natutulog
  • Ayon sa pulisya, selos at hidwaan sa pamilya ang mga tinitingnang motibo ng krimen
  • Sumuko ang suspek sa isang konsehal at narekober ang kutsilyong ginamit sa krimen

Isang karumal-dumal na krimen ang yumanig sa Barangay Owak, Asturias, Cebu noong Miyerkules, Hulyo 2, matapos umanong pagsasaksakin ng isang 46-anyos na lalaki ang 18-anyos na pamangkin ng kaniyang misis, na agad namatay sa insidente. Sugatan rin ang dalawang menor de edad na kapatid ng biktima matapos madamay sa pananaksak habang sila ay mahimbing na natutulog sa kanilang kwarto.

Binata, patay sa pananaksak ng asawa ng tiyahin sa Cebu; dalawang kapatid sugatan
Binata, patay sa pananaksak ng asawa ng tiyahin sa Cebu; dalawang kapatid sugatan (đź“·Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang kwarto ng mga bata bandang madaling araw at walang pag-aalinlangang inundayan ng saksak ang 18-anyos. Tinamaan ng matitinding sugat sa mukha at balikat ang binata at idineklarang dead on the spot.

Samantalang ang walong taong gulang na kapatid ay nagtamo ng sugat sa ulo at noo, ngunit nagawa pa rin niyang makatakas at makahingi ng tulong mula sa kanilang kapitbahay. Ang kanilang 10-anyos na kapatid ay tinamaan naman sa likod ng ulo at katawan at patuloy na ginagamot.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inihayag ng pulisya na selos ang pangunahing motibo ng suspek. Matagal na raw pinaghihinalaan ng lalaki na may namumuong relasyon umano sa pagitan ng kaniyang misis—na tiyahin ng mga biktima—at ng 18-anyos na biktima. Isa pang tinitingnang motibo ay matagal na raw alitan ng suspek sa ama ng mga biktima.

Hindi na nakapalag ang mga biktima, lalo’t sila’y tulog nang bigla silang pasukin at pagsasaksakin. Matapos ang insidente, agad umanong tumakas ang suspek ngunit hindi rin nagtagal ay sumuko ito sa isang konsehal ng barangay. Ang opisyal ang siyang nag-turn over sa kaniya sa mga pulis ng Asturias.

Narekober mula sa suspek ang 12-pulgadang kutsilyo na ginamit sa krimen. Siya ngayon ay nahaharap sa kasong murder at dalawang bilang ng frustrated murder. Nananatili siyang nasa kustodiya ng pulisya habang inaayos ang mga dokumento para sa pagsasampa ng pormal na kaso.

Ang mga tinatawag na “crime of passion” ay mga krimen na kadalasang nangyayari sa bugso ng matinding emosyon gaya ng selos, galit, o pagtataksil. Sa kasaysayan, madalas ito'y kinasasangkutan ng mga romantikong isyu o personal na hidwaan sa pamilya. Sa kasong ito, ang pagpatay sa sariling kamag-anak ay nag-ugat umano sa selos at suspetsa na hindi pa napatunayan. Isa itong paalala na ang hindi pagkontrol sa bugso ng damdamin ay maaaring magdulot ng walang kapantay na trahedya.

Isang ginang ang nasawi matapos gilitan ng leeg ng sarili niyang mister dahil umano sa matinding selos. Ginamit ng suspek ang isang matalim na bolo at pagkatapos ng krimen ay tumakas ito. Ang mga imbestigador ay tinitingnan pa rin ang posibilidad ng long-term domestic abuse at kakulangan sa mental health support para sa suspek.

Isang lalaki ang biglang umatake sa dalawang kaibigan na kainuman niya. Isa ang nasawi at isa naman ang nagtamo ng malubhang sugat. Ayon sa imbestigasyon, matagal na raw may hinanakit ang suspek sa isa sa mga biktima kaya’t nauwi sa marahas na pananaga ang simpleng inuman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate