FPRRD, tutol umano sa pagbebenta ng kanilang bahay, ayon kay Rep. Paolo Duterte
- Nakitaan ng "For Sale" signage ang bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Doña Luisa Village, Davao City, nitong weekend
- Itinanggi ni Rep. Paolo Duterte ang pagbebenta at sinabing ayaw ng kanyang ama na ipagbili ang naturang property
- Ayon sa dating pangulo, sentimental ang halaga ng bahay dahil ito ang una niyang nabili gamit ang sariling pera
- Sa kabila ng pagkakakulong sa ICC Detention Center, mariin pa rin ang pagtutol ni Duterte sa pagbebenta ng kanyang unang tahanan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mariing itinanggi ni Davao City First District Representative Paolo Duterte ang mga ulat na ibebenta ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanilang tahanan sa Doña Luisa Village, Davao City.

Source: Instagram
Ito ay matapos mapansin ng publiko ang isang “For Sale” signage na nakapaskil sa nasabing property noong weekend.
Ayon kay Rep. Duterte, kamakailan lamang siyang bumisita sa kanyang ama sa International Criminal Court (ICC) Detention Center at personal niyang natanong ang dating pangulo ukol dito.
“Amo siyang gipangutana kung ibaligya ba daw ang balay — dili gyud daw. Kana iyang balay, mao daw na ang iyang unang balay, ug dili gyud siya gusto nga ibaligya na,” pahayag ni Rep. Duterte.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
(“Tinanong namin siya kung ibebenta raw ba ang bahay, hindi raw talaga. Ang bahay raw na 'yan ay ang pinakauna niyang bahay, at ayaw niya talagang ibenta na.”)
Ayon pa sa kongresista, may malalim na kahulugan ang naturang bahay para sa dating pangulo dahil ito umano ang unang ari-ariang naipundar nito gamit ang sariling pera—isang tagumpay na personal at emosyonal para sa kanya.
Sa kabila ng kasalukuyang pagkakakulong ng dating pangulo sa labas ng bansa, iginiit ni Rep. Duterte na nananatiling buo ang kagustuhan ng kanyang ama na panatilihin ang bahay bilang isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay at alaala.
Nananatili pa rin nakaditene si Dating Pangulong Duterte sa The Hague sa Netherlands, kasunod ng pagkakaaresto sa kanya noong Marso.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.
In other news, the annual Wattah Wattah Festival in San Juan City was briefly disrupted by a confrontation between two youth groups, resulting in a broken bottle and an injury. Law enforcement quickly intervened to address the scuffle, providing first aid to the injured individual and launching an investigation, allowing the festival to largely proceed.
Still in other news, a man ended up in jail after he allegedly assaulted his live-in-partner over a game of Scatter. According to the report of Brigada News Philippines, the incident happened on June 23, Purok Ilaya, Brgy. Tuyan, Naga, Cebu. The suspect, Satur, is 29 years old, while the victim, Mae, is 24. Mae said that the suspect borrowed her cellphone, and she suspected that he used her e-wallet to play on Scatter, eventually leading to an argument and to the assault.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh