Dalagang natagpuang patay at ginilitan sa leeg, posibleng biktima ng malagim na love triangle
- Isang duguang bangkay ng babae ang natagpuan ng nagpapastol, Miyerkules ng umaga, sa Purok 5, Brgy. Nagbunga, Castillejos
- Nakitang may gilit sa leeg ang dalagang natagpuan, batay sa ulat ng OnePH
- Ayon kay PMaj. Abraham Atencio, COP, Castillejos MPS, "Andoon po siya sa may grassy portion ng lugar na 'yun na kung saan di po talaga siya puwede makita nang ganun ganun lang dahil malalaki po 'yung dahoon at saka 'yung puno po doon sa area"
- Huli umanong nakausap ng mga kamag-anak ang 21-anyos na biktimang si Riza Crisostomo noong June 24
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang duguang bangkay ng babae ang natagpuan ng isang nagpapastol ng hayop noong Miyerkules ng umaga sa Purok 5, Barangay Nagbunga, Castillejos, Zambales.

Source: UGC
Batay sa ulat ng OnePH, ang biktima ay nakilalang si Riza Crisostomo, 21 anyos.
Ayon sa mga kamag-anak, huli nila siyang nakausap noong Hunyo 24. Natagpuan siyang may hiwa sa leeg sa isang masukal na bahagi ng lugar.
“Andoon po siya sa may grassy portion ng lugar na 'yun na kung saan di po talaga siya puwede makita nang ganun ganun lang dahil malalaki po 'yung dahoon at saka 'yung puno po doon sa area,” pahayag ni PMaj. Abraham Atencio, hepe ng Castillejos Municipal Police Station.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa imbestigasyon, lumalabas na may nobyo umano si Riza, ngunit ang lalaking ito ay mayroon ding ibang karelasyon sa lugar kung saan nangyari ang krimen.
Ayon kay PMaj. Atencio, “Meron po siyang karelasyon na may karelasyon din po, 'yung nobyo po, siya po 'yung nag-set up po. Gumawa siya ng paraan para makausap sila... 'yung pag-uusap na 'yun ay nauwi po sa isang insidente na ikinasawi po ng ating biktima.”
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy ang mga posibleng sangkot at ang motibo sa likod ng krimen.
Hinihinalang love triangle ang posibleng dahilan ng karumal-dumal na pagpatay.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.
In other news, the annual Wattah Wattah Festival in San Juan City was briefly disrupted by a confrontation between two youth groups, resulting in a broken bottle and an injury. Law enforcement quickly intervened to address the scuffle, providing first aid to the injured individual and launching an investigation, allowing the festival to largely proceed. San Juan City implemented specific "basaan zones," limited water dousing hours (7 AM - 2 PM), and enforced prohibitions against dirty water, high-pressure sprays, and dousing from vehicles to prevent issues. Despite the isolated incident, the majority of the Wattah Wattah Festival continued peacefully, with residents and visitors adhering to the rules and enjoying the traditional water dousing.
Still in other news, a man ended up in jail after he allegedly assaulted his live-in-partner over a game of Scatter. According to the report of Brigada News Philippines, the incident happened on June 23, Purok Ilaya, Brgy. Tuyan, Naga, Cebu. The suspect, Satur, is 29 years old, while the victim, Mae, is 24. Mae said that the suspect borrowed her cellphone, and she suspected that he used her e-wallet to play on Scatter, eventually leading to an argument and to the assault.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh