9-anyos na batang babae, 3 taon umanong paulit-ulit na hinalay ng kanyang amain at lolo
- Isang 9-anyos na batang babae ang paulit-ulit umanong hinalay ng kanyang amain at lolo
- Ang malagim na sinapit ng bata ay nangyari sa Argao, Cebu, ay paulit-ulit umanong nangyari sa loob ng tatlong taon
- Ayon sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, nito lang linggo ng umaga umano huling hinalay ang walang muwang na bata
- Nung araw na iyon ay nag-aalaga raw ang kanyang ina ng mga baboy, kaya naiwan sa bahay ang anak
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Isang 9-anyos na batang babae ang umano’y paulit-ulit na hinalay ng kanyang amain at lolo.
Ang malagim na sinapit ng bata ay naganap sa Argao, Cebu, at sinasabing umulit ng ilang beses sa loob ng tatlong taon.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, huling nangyari ang panghahalay sa walang muwang na bata nitong linggo ng umaga.
Ayon sa ulat, noong araw na iyon ay abala ang ina ng bata sa pag-aalaga ng mga baboy, kaya naiwan sa bahay ang anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang mga suspek ay ang kinakasama ng ina ng biktima at ang ama nito na tinuring nang lolo ng biktima.
Sa ulat ng 'Frontline Pilipinas' sa TV5, naaktuhan daw ng ina ng biktima ang kahalayan na ginagawa sa kanyang anak.
Dagdag pa ng awtoridad, ginagawa daw ang krimen sa tuwing wala sa bahay ang ina ng bata.
Sa loob ng tatlong taon raw ay paulit-ulit na ginawa ng mag-ama ang pananamantala sa batang biktima.
At para hindi raw magsumbong ang bata, tinatakot at binubugbog daw siya ng mga suspek.
Sa panayam ng TV5 sa amain ng biktima, inamin niya ang ginawang krimen sa bata. Samantala, ang kanyang ama na tinuring na lolo ng biktima at itinanggi ang paratang at sinabing nadamay lang daw siya.
Napag-alaman din na may dati ng kaso ang mga suspek na kaugnay sa ilegal na droga. Ang lolo na umano'y suspek ay nasangkot na dati sa ilegal na sugal.
Desididong magsampa ng kaso ang ina ng bata.
Watch the report in the video below:
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.
In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.
In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh