Wattah Wattah 2025: Peace and order ang layunin ni Mayor Zamora sa bagong ordinansa

Wattah Wattah 2025: Peace and order ang layunin ni Mayor Zamora sa bagong ordinansa

  • Idineklara ni Mayor Francis Zamora na tanging sa “Basaan Zone” lamang papayagan ang water-drenching activities
  • Mahigpit na ipagbabawal ang basaan sa labas ng itinakdang lugar at oras mula 7:00 AM hanggang 2:00 PM
  • Mahigit 300 pulis ang ipakakalat para siguraduhin ang kaayusan at kaligtasan ng lahat
  • Ipinatutupad din ang liquor ban mula 12:01 AM hanggang 2:00 PM ng Hunyo 24 sa buong lungsod

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Handang-handa na ang San Juan City para sa isa sa pinakamasiglang pista sa bansa—ang Wattah Wattah Festival sa darating na Hunyo 24, 2025, kasabay ng kapistahan ni San Juan Bautista. Ngunit ngayong taon, mas pinaigting ang seguridad at kaayusan ng selebrasyon sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora, base sa muling pagbago ng City Ordinance No. 14, Series of 2025.

Wattah Wattah 2025: Peace and order ang layunin ni Mayor Zamora sa bagong ordinansa
Wattah Wattah 2025: Peace and order ang layunin ni Mayor Zamora sa bagong ordinansa (📷Mayor Francis Zamora/Facebook)
Source: Facebook

Sa isinagawang press conference, binigyang-diin ni Mayor Zamora na may itinalaga na lamang na "Basaan Zone" upang maiwasan ang mga kaguluhang nangyari noong nakaraang taon. Aniya, "Water-drenching activities will be allowed strictly only from 7:00 AM to 2:00 PM, and only within the designated Water-Drenching Zone or Basaan Zone." Ang lugar na ito ay mula Pinaglabanan Road, sa pagitan ng P. Guevarra St. at N. Domingo St., kabilang ang paligid ng Pinaglabanan Shrine.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inaasahang mahigpit ang magiging implementasyon ng ordinansa, kaya’t mahigit 300 na kapulisan ang ide-deploy para magbantay at tumugon sa anumang insidente. Dagdag pa ni Zamora, "If you guys are going to San Juan to read, you are most welcome." (Oo, nasabi nga niyang “read,” pero malinaw naman sa konteksto na “drenching” ang ibig sabihin.)

Ipinagbabawal ang paggamit ng maruming tubig, mga “water bomb” na maaaring makasakit, pati na ang pagpasok o pagbuhos ng tubig sa mga bukas na sasakyan. Hindi rin papayagan ang paggamit ng fire trucks at high-pressure sprayers nang walang awtorisasyon mula sa pamahalaang lungsod.

Bukod sa water regulations, isang liquor ban ang ipatutupad mula 12:01 AM hanggang 2:00 PM ng mismong araw ng pista. Bawal ang bentahan at konsumo ng alak sa mga pampublikong lugar tulad ng mga grocery, restaurants, at sari-sari stores. Ang mga lalabag—maging indibidwal o negosyo—ay pagmumultahin ng ₱5,000. Para sa mga menor de edad, ang magulang nila ang pananagutin.

Dagdag pa ng alkalde, "Our ordinance is very clear. Penalties apply to prohibited behavior during the fiesta."

Ang Wattah Wattah Festival ay taunang tradisyon sa San Juan City bilang paggunita sa kapistahan ni San Juan Bautista, na kilala sa pagbibinyag gamit ang tubig. Bahagi ng selebrasyon ang “basaan” bilang simbolismo ng pagbibinyag, ngunit nitong mga nakaraang taon ay may mga ulat na ito’y nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan, aksidente, at pambabastos.

Nagkita na muli ang viral na “Boy Dila” at ang rider na kanyang binasa matapos ang mainit na eksena noong isang taon. Sa tulong ng San Juan City Government, nagkaayos ang dalawa sa pamamagitan ng isang pagkikita kung saan humingi ng tawad si Boy Dila. Naging magandang ehemplo ito na kahit may mainit na tensyon sa pista, ang kapatawaran ay posible pa rin.

Ngunit kamakailan lang, muling nasangkot si Boy Dila matapos siyang maaresto sa paglabag sa Bawal Bastos Law, isang batas na tumutugon sa gender-based harassment sa public spaces. Ayon sa ulat, nakuhanan siya ng video habang nananadyang mambastos sa lansangan, dahilan upang agad siyang maharap sa legal na aksyon.

Ngayong taon, malinaw ang mensahe ng San Juan: tuloy ang saya, pero may disiplina! Kung gusto mong makibasa—este, maki-basaan—tandaan lang: Basaan Zone lang po, at hanggang 2:00 PM lang!

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate