Taong grasa, nag-amok; nanapak ng mga tao at nang-agaw ng mga pagkain
- Isang lalaking taong grasa ang bila na lamang nag-amok sa Consolacion, Cebu
- Sa kuha ng ilang cellphone videos, naaktuhan ang taong grasa na biglang pumasok sa isang fastfood restaurant at nanghablot ng pagkain
- Sa iba pang kuha ng video kasama ng ulat sa 'Frontline Pilipinas' ng TV5, habang bitbit niya ang kinuhang pagkain sa fastfood restaurant, nandakma naman siya ng pagkain sa isang karinderya
- Kinalaunan, ibinato niya ang plato at saka kumaripas ng takbo papalayo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Isang lalaking taong grasa ang bigla na lamang nag-amok sa Consolacion, Cebu.
Sa mga kuha ng ilang cellphone videos, naaktuhan ang taong grasa na basta na lang pumasok sa isang fastfood restaurant at nanghablot ng pagkain.
Sa isa pang kuha ng video na isinama sa ulat ng 'Frontline Pilipinas' ng TV5, habang bitbit pa niya ang nakuha niyang pagkain mula sa fastfood restaurant, dumiretso naman siya sa isang karinderya at muling nandakma ng pagkain.
Kinalaunan, ibinato niya ang hawak na plato at saka mabilis na tumakbo palayo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Subalit, sa di kalayuan, may namataan siyang isang rider na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Walang anu-ano'y sinuntok niya sa likod ang lalaking rider na nakaupo sa kanyang motorsiklo.
Sa isang kanto naman, pinagsasapak niya ang isang lalaki na nakaupo sa harap ng isang establisyemento.
Tumakbo ulit ang taong grasa at nanguha ulit ng pagkain sa isa pang karinderya.
Kinalaunan, nahuli ng awtoridad ang lalaki at dinala sa presinto.
Ayon naman sa Consolacion Police Station, may kapansanan umano ang lalaking nag-amok.
Dagdag pa nila, hindi raw nagsasalita ang lalaki kaya hindi nila malaman ang kanyang pagkakakilanlan.
Sa ngayon ay pansamantala munang dinala ang lalaki sa hospital upang maobserbahan.
Watch the report in the video below (WARNING: Violence)
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.
In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.
In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh