Rendon Labador, gustong bumili ng unggoy:“Ano ipapangalan natin?

Rendon Labador, gustong bumili ng unggoy:“Ano ipapangalan natin?

-Pinangalanan ni Diwata ang kanyang bagong alagang German Shepherd na “Rendon” matapos sabihin ng seller na malakas itong tumahol at lalaki ito nang malaki, na tila patama sa kapwa social media personality na si Rendon Labador

-Sa isang video, biniro pa ni Diwata ang kanyang aso at sinabing maldita ito dahil ayaw kumahol kahit sabihan niya para sa kanyang mga followers

-Hindi naman ito pinalampas ni Rendon Labador at bumuwelta agad sa Facebook, kung saan ipinahiwatig niyang bibili rin siya ng unggoy at biniro pa kung anong pangalan ang dapat ibigay dito

-Matagal nang may tensyon sa pagitan nina Diwata at Rendon, lalo na simula nang punahin ni Rendon ang pagtakbo ni Diwata bilang nominee ng Vendors Party-list noong nakaraang eleksyon

Nag-viral muli si Deo Balbuena, o mas kilala bilang Diwata, matapos ibida sa isang video ang bago niyang alagang German Shepherd na pinangalanan niyang “Rendon.” Ayon sa kanya, binili niya ito dahil malakas daw kumahol at lalaki raw ito nang malaki. Pero mas naging kapansin-pansin ang pangalan ng aso—isang tila pasaring sa dati na niyang nakabangayan online na si Rendon Labador.

Rendon Labador, gustong bumili ng unggoy:“Ano ipapangalan natin?
Rendon Labador, gustong bumili ng unggoy:“Ano ipapangalan natin? (📷Rendon Labador/Facebook)
Source: Facebook

“Anlakas daw nitong kumahol,” kwento ni Diwata habang pinapakilala ang alaga sa kanyang followers. Dagdag pa niya sa pagbibiro, “Ang maldita nito, sinabihan ko na ngang kumahol para sa followers ko, ayaw pa.” Kitang-kita sa tono at galawan ni Diwata na may halong tukso at humor ang pagpapakilala sa kanyang alaga.

Hindi naman nagpahuli si Rendon sa kanyang sagot. Sa isang Facebook post, binuweltahan niya si Diwata sa pamamagitan ng ideya na bumili rin siya ng alaga—isang unggoy. “Ano ipapangalan natin? Makabili nga din ng alagang unggoy,” ani Rendon. Sinundan pa niya ito ng dagdag patama: “Saan ba nakakabili niyan? Maganda sana yung meron na kasamang gold sa leeg para hindi na ako bumili.” Ayon sa ilang netizens, tila mas lalong umiinit ang online bangayan ng dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaan na dati nang pumuna si Rendon kay Diwata, lalo na noong tumakbo ito bilang 4th nominee ng Vendors Party-list. Sa isang post pa noong Enero, sinabi ni Rendon: “Si Rosmar umatras na, kailan kaya aatras si Diwata? Hindi pa ba natatauhan?” Sa isa pang post, banta pa niya, “Dalhin natin sa Marilque si Diwata kapag hindi umatras.”

Ang tensyon sa pagitan nila ay nagsimula noong pumasok si Diwata sa mundo ng politika matapos sumikat bilang viral pares vendor. Si Diwata ay naging inspirasyon sa maraming Pilipino dahil sa kanyang pagsusumikap at viral charisma sa social media, ngunit hindi rin siya ligtas sa mga puna at patutsada—lalo na mula kay Rendon.

Samantala, kamakailan lang ay naglabas ng pahayag si Diwata para linawin ang isang isyu na kumalat online. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph sa artikulong “Diwata, pinabulaanan ang quote ukol sa ‘nalungkot siya nang ’di siya kilala sa eroplano’: ‘Gawa-gawa kayo’”, itinanggi ni Diwata na nalungkot siya nang hindi siya makilala sa isang flight. Aniya, gawa-gawa lamang ang kumalat na balita at hindi siya nagsabi ng ganoon.

Sa kabilang banda, abala rin si Rendon Labador sa iba pang isyu online. Sa isa pang report ng Kami.com.ph, binatikos niya ang isang content creator dahil sa paggamit ng bata sa hindi akmang content. Sa balitang “Rendon Labador, umalma sa paggamit ng bata sa ‘di angkop na content ni Ser Geybin”, sinabi niyang dapat maging responsable ang mga gumaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate