Diwata, ibinida ang kanyang asong pinangalan niyang Rendon: "Anlakas daw nitong kumahol"
-Ibinida ni Diwata ang kanyang bagong alagang aso na pinangalanan niyang Rendon
-Ayon sa kanya, sinabi ng nagbenta na malaki ito at malakas kumahol
-Tinawag niyang “maldita” ang aso nang hindi ito tumahol para sa kanyang followers
-Nag-ugat ang patama mula sa naunang banat ni Rendon tungkol sa pagtakbo niya sa eleksyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kahit abala sa mundo ng politika at social media, hindi pa rin nawawala ang humor ni Deo Balbuena, mas kilala ng madla bilang “Diwata.” Kamakailan lang ay nagpasaya siya ng kanyang followers matapos niyang ipakilala ang kanyang bagong alagang aso—isang German Shepherd—na may pangalang hindi mo aakalain: Rendon.

Source: Facebook
Sa isang video, masayang ibinahagi ni Diwata na binili niya ang aso dahil sinabi raw ng seller na ito ay lalaki nang malaki at may malakas na tahol. “Anlakas daw nitong kumahol,” aniya, kaya hindi na siya nagdalawang-isip. Ngunit sa kanyang pagpapakilala sa mga netizens, tila may kaunting banat din si Diwata nang biruin niya ang alaga. “Ang maldita nito, sinabihan ko na ngang kumahol para sa followers ko, ayaw pa,” biro niya habang hinahaplos ang aso.
Hindi nakaligtas sa mga mata ng netizens ang tila patama sa kapwa social media personality na si Rendon Labador—na dati nang bumira kay Diwata. Matatandaang noong Enero 30, pinuna ni Rendon sa isang Facebook post ang kandidatura ni Diwata bilang 4th nominee ng Vendors Party-list. “Si Rosmar umatras na, kailan kaya aatras si Diwata? Hindi pa ba natatauhan?” tanong ni Rendon sa post.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi pa diyan natapos ang banat. Sa hiwalay na post, sinabi pa niyang, “Dalhin natin sa Marilque si Diwata kapag hindi umatras.” Bukod pa sa mga patutsada online, tila mas lumalalim ang bangayan sa pagitan ng dalawa, lalo na’t kapansin-pansin ang kasabay na humor at banat ni Diwata sa pagngangalang "Rendon" ng kanyang aso.
Para sa kaalaman ng ilan, si Diwata ay isa sa mga viral sensations na unang nakilala dahil sa kanyang Paresan stall na naging hit online. Bukod sa kanyang masarap na luto at nakaaaliw na personalidad, pumatok siya sa mga social media platforms kung saan naging inspirasyon siya ng marami. Sa pagpasok niya sa larangan ng politika, naging mas aktibo rin ang mga batikos sa kanya—ngunit hindi siya nagpapatinag.
Sa kabila ng mga isyu, patuloy pa ring gumagawa ng ingay si Diwata sa entertainment at online world. Kamakailan, itinanggi niya ang kumakalat na quote na nalungkot daw siya nang hindi siya makilala sa eroplano. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph sa balitang “Diwata, pinabulaanan ang quote ukol sa ‘nalungkot siya nang ’di siya kilala sa eroplano’: ‘Gawa-gawa kayo’,” iginiit ni Diwata na wala siyang sinabi na ganoon at gawa-gawa lamang ang mga nagkalat ng maling impormasyon.
Samantala, sa kabilang panig naman, muling umalma si Rendon Labador kamakailan sa isang kontrobersyal na content online. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, binatikos ni Rendon si Ser Geybin dahil sa paggamit ng bata sa diumano’y hindi angkop na content. Sa balitang “Rendon Labador, umalma sa paggamit ng bata sa ‘di angkop na content ni Ser Geybin”, iginiit ni Rendon na dapat maging responsable ang mga content creator lalo na kung may kinalaman sa mga bata.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh