DepEd, pinabulaanan ang ‘fake news’ na tatanggalin ang K to 12 Matatag curriculum
-Naglabas ng pahayag ang DepEd upang pabulaanan ang maling impormasyon sa social media
-Giit ng DepEd, walang katotohanan ang kumakalat na balita na tatanggalin ang K to 12 Matatag curriculum
-Hinihikayat ng ahensya ang publiko na i-report ang mga pekeng impormasyon tungkol sa edukasyon
-Muling ipinaalala ng DepEd na maging mapanuri at huwag basta-basta maniwala sa social media posts
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) upang itama ang kumakalat na pekeng balita ukol sa umano’y pagtatanggal ng K to 12 Matatag curriculum sa darating na school year 2025–2026. Ayon sa kanilang Facebook post noong Mayo 14, 2025, mariing itinanggi ng ahensya ang nasabing impormasyon at tinawag itong “fake news.”

Source: UGC
“Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa pagtanggal ng K to 12 program sa darating na SY 2025-2026,” ayon sa DepEd. Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng tamang impormasyon, lalo na sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang maling balita online. “Pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation,” dagdag pa ng ahensya.
Hinikayat ng DepEd ang mga mamamayan na agad i-report ang anumang kahina-hinalang impormasyon o post tungkol sa basic education. “I-report ang anumang uri ng maling balita o impormasyon tungkol sa basic education sa depedactioncenter@deped.gov.ph,” anila. Sa harap ng mabilis na pagkalat ng fake news, mahalaga raw ang aktibong partisipasyon ng publiko upang mapanatili ang tiwala at integridad ng edukasyon sa bansa.
Ang K to 12 program ay inilunsad ng DepEd upang paghusayin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdagdag ng dalawang taon sa basic education—Grade 11 at Grade 12. Noong Agosto 2023, inilunsad ang “K to 10 MATATAG Curriculum,” na bahagi ng pagsasaayos at pagpapaigting ng kasalukuyang sistema. Layunin nitong pagaanin ang pagkatuto ng mga mag-aaral habang pinapalakas ang core competencies. Sa ilalim ng administrasyong ito, tinitiyak ng DepEd na makatutugon ang programa sa mga hamon ng makabagong panahon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nag-viral ang isang video kung saan makikita ang isang teacher na kinompronta ang principal ng isang paaralan matapos umanong ipatanggal ang mga toga ng mga mag-aaral sa kanilang graduation. Maririnig sa video ang galit ng titser habang ipinapahayag ang kanyang pagkadismaya. Umani ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens na nagpahayag ng suporta satitser.
Kaugnay ng kontrobersyal na video, agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang DepEd. Nilinaw ng ahensya na walang polisiya ang DepEd na nagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation ceremonies. Ipinaalala rin nila na dapat may kalayaan ang mga paaralan basta’t ito ay may pagsang-ayon ng stakeholders.
Habang patuloy ang pagsisikap ng DepEd na ayusin at iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa, hindi pa rin maiiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon. Kaya naman paulit-ulit ang paalala ng ahensya sa publiko—maging mapanuri, suriing mabuti ang mga nakikitang posts online, at huwag basta-basta maniniwala lalo na kung walang kumpirmasyon mula sa opisyal na sources. Sa huli, ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa kaalaman kundi pati na rin sa pagkatuto ng tamang asal, disiplina, at katotohanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh