NAIA bollards, ipinaayos matapos ang trahedya: ‘Wake-up call’ daw para sa gobyerno ayon sa publiko

NAIA bollards, ipinaayos matapos ang trahedya: ‘Wake-up call’ daw para sa gobyerno ayon sa publiko

-Dalawang katao ang nasawi matapos salpukin ng SUV ang departure entrance ng NAIA Terminal 1

-Lumabas sa imbestigasyon na mababaw ang pagka-install ng bollards na dapat sana ay pangharang sa sasakyan

-San Miguel Corporation at Department of Transportation ay nagsimula na ng imbestigasyon sa insidente

-Isang araw matapos ang aksidente, bagong bollard na ang inilagay sa drop-off area ng paliparan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos ang nakalulungkot na aksidente noong Linggo, Mayo 4, kung saan dalawang katao ang nasawi matapos salpukin ng SUV ang departure entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, agad na umaksyon ang pamunuan ng paliparan.

NAIA bollards, ipinaayos matapos ang trahedya: ‘Wake-up call’ daw para sa gobyerno ayon sa publiko
NAIA bollards, ipinaayos matapos ang trahedya: ‘Wake-up call’ daw para sa gobyerno ayon sa publiko (📷ABS-CBN News)
Source: Facebook

Isang araw lang ang lumipas, Mayo 5, isang bagong bollard na ang itinayo sa curbside entrance sa drop-off area—tila pagsisikap na ayusin ang pagkakamali.

Bagamat may mga nakapuwestong bollards sa lugar noong araw ng aksidente, mabilis itong bumigay sa banggaan. "Kung maayos sanang naikabit, kakayanin dapat nito ang isang malakas na vehicle collision," ani ng mga eksperto. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na posibleng mababaw ang pagka-install ng mga barrier, kaya’t hindi nito napigilan ang SUV na dumiretso sa mga pasahero.

Read also

NAIA bollard, viral sa social media matapos ang malagim na SUV crash

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, "inaaral na ito sa ngayon ng kasalukuyang pamunuan ng NAIA." Sa isang press conference, kinumpirma niyang nakikipagtulungan na ang San Miguel Corporation upang tukuyin kung bakit hindi naging epektibo ang mga safety measures na ito. Isa itong malakas na sigaw mula sa publiko para sa pananagutan, at isang paalala na huwag tipirin ang kaligtasan.

Sa gitna ng lahat ng ito, muling naungkat ang matagal nang usapin: ang katiwalian sa mga pampublikong proyekto. Marami ang naniniwala na ang "mababaw" na pagkakakabit ng bollards ay hindi lamang teknikal na pagkukulang—kundi maaaring repleksyon ng sistemang may butas at nakaugat sa korapsyon.

Ayon sa Corruption Perceptions Index (CPI) 2023 ng Transparency International, ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 34 sa 100 na puntos, at pumwesto sa ika-115 sa 180 bansa. Ibig sabihin, isa tayo sa mga bansang may mataas na perception ng katiwalian. Sa ASEAN region, halos kapareho natin ang performance ng Indonesia, at malayo sa Singapore (83/100) na halos walang korapsyon sa mga pampublikong proyekto.

Read also

Winwyn Marquez matapos tanghaling 1st runner-up sa MUPH 2025: "Winner na talaga ako"

Pahayag ng Transparency International, "Malala pa rin ang political patronage, red tape, at kickbacks sa public procurement sa Pilipinas." Dahil dito, hindi malayong ang mga infrastructure project ay naaapektuhan sa kalidad—kagaya ng nangyari sa NAIA.

Sa gitna ng mainit na usapin sa NAIA, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Ogie Diaz patungkol sa mga pulitiko. “Ang tunay na legasiya ay ang tapat na serbisyo,” ani ni Ogie sa kanyang post. Umani ito ng papuri mula sa netizens na tila pagod na sa palusot at pagbubulag-bulagan ng gobyerno sa mga seryosong problema.

Si Anne Curtis, kilalang aktres at host, ay naglabas ng kanyang saloobin matapos mabalitaan ang insidente sa NAIA. Ayon sa kanya, “Wake-up call na sana ito” para sa mga nasa gobyerno upang seryosohin ang seguridad sa mga pampublikong lugar. Nanawagan din siya ng hustisya para sa mga biktima at mas matibay na aksyon upang hindi na ito maulit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate