23 anyos, nasawi matapos masabugan ng paputok sa mukha sa pagsalubong ng Bagong Taon

23 anyos, nasawi matapos masabugan ng paputok sa mukha sa pagsalubong ng Bagong Taon

  • Nasawi ang 23-taong-gulang na si Cyril John Amarillo Remis matapos masabugan ng paputok sa mukha
  • Nangyari ang insidente sa Barangay San Roque, Asturias, Cebu habang sinasalubong ang Bagong Taon
  • Sinilip ng biktima ang paputok na “bombshell” na sinindihan ngunit sumabog ang isa pang bahagi nito
  • Tiniyak ng pulisya ang patuloy na imbestigasyon habang pinaalalahanan ang publiko ukol sa panganib ng paputok

Nasawi ang isang 23-taong-gulang na lalaki matapos masabugan ng paputok sa mukha sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa Asturias, Cebu. Kinilala ang biktima na si Cyril John Amarillo Remis, residente ng Barangay San Roque.

23 anyos, nasawi matapos masabugan ng paputok sa mukha sa pagsalubong ng Bagong Taon
23 anyos, nasawi matapos masabugan ng paputok sa mukha sa pagsalubong ng Bagong Taon
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Frontline Express ng News 5 noong Miyerkules, Enero 1, 2025, sinindihan umano ni Remis ang paputok na tinatawag na “bombshell” sa tabing kalsada. Sa kanyang pagsilip sa paputok, bigla na lamang sumabog ang isa pang bahagi nito na hindi pa pala napuputok.

Dahil sa lakas ng pagsabog, nagtamo si Remis ng malubhang pinsala sa mukha at dibdib. Nawalan siya ng malay bago isinugod sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Read also

Rider, itinali ang pasaherong lasing para sa kaligtasan nito habang bumiyahe

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, habang muling pinaalalahanan ang publiko ukol sa mga panganib ng paggamit ng paputok.

Tuwing sasapit ang selebrasyon ng Bagong Taon, hindi nawawala ang tradisyon ng paggamit ng mga paputok sa Pilipinas. Sa kabila ng masayang pagdiriwang, nananatiling bahagi ng kasaysayan ng bansa ang mga trahedya dulot ng paputok na nagdudulot ng malubhang pinsala sa maraming Pilipino, lalo na sa mga bata at kabataan.

Sa ibang ulat, nasira nang husto ang mga kamay ng isang 13-taong-gulang na binata matapos sumabog ang paputok na kanyang pinulot sa Taytay, Rizal. Ayon sa medic na rumesponde, pinulot umano ng binata ang paputok na hindi sumabog, dahilan upang mangyari ang aksidente. Base sa mga ulat, parehong kamay ng biktima ang lubhang nasugatan, pati na rin ang isa niyang mata. Bukod dito, nagtamo rin siya ng sugat sa iba pang bahagi ng katawan, kabilang na ang isang sugat sa kanyang tiyan.

Read also

Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?”

Isang 78-taong-gulang na lolo ang nasawi matapos magsindi ng Judas belt na paputok. Nasugatan ang biktima sa kanyang mata at hita kaagad matapos ang insidente. Naospital siya noong Disyembre 22 ngunit binawian ng buhay noong Disyembre 27 dahil sa impeksiyon na dulot ng kanyang mga sugat. Ayon sa ulat ng GMA News, nagkaroon din ng komplikasyon na nagpalala ng kanyang kalagayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate