Angelica Yulo, nagbahagi ng mensahe sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan
- Ibinahagi ni Angelica Yulo ang kanyang pasasalamat sa mga pagbati at regalo sa kanyang kaarawan
- Ayon kay Angelica, ang kanyang kaarawan ay puno ng pagmumuni-muni at pasasalamat sa mga aral at karanasan
- Binanggit ni Angelica ang mga mahahalagang karanasan at ang kanyang patuloy na pag-usbong sa kabila ng lahat ng pagsubok
- Pinasalamatan din ni Angelica ang tinawag niyang si Miss Jojie para daw sa espesyal na treat na ibinigay sa kanya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nag-post si Angelica Yulo sa kanyang kaarawan noong Disyembre 18, 2024, kung saan ibinahagi niya ang mga aral at karanasan sa kanyang buhay. Sa kanyang post, sinabi ni Angelica, "Happy birthday to me! Here's all the struggle, all the pain, all the lessons, and all the growth of my life.
What ever occurs ahead or what has happened before, I have managed to remain myself throughout all the past and future experiences."
Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa mga mensahe at pagbati na natanggap mula sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Ayon pa kay Angelica, "Thank you for all the wonderful birthday messages and wishes. You made my day special. I feel so lucky to have such thoughtful friends and family."
Pinasalamatan din niya ang mga regalong natanggap at binigyan ng espesyal na pasasalamat si Miss Jojie na nagbigay sa kanya ng treat. "Thank you also for all the gifts you've given me and most especially thank you Miss Jojie for the treat, we really enjoyed a lot," dagdag pa ni Angelica.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Angelica Yulo ay ang ina ni Carlos Yulo, isang kilalang gymnast na nagwagi ng mga gintong medalya sa mga internasyonal na kompetisyon, kabilang na ang Tokyo 2020 Olympics at 2024 Olympics. Bukod kay Carlos ay nakikilala rin ang dalawa pa niyang anak na sina Karl Eldrew at Elaiza Yulo sa larangan ng gymnastics.
Ayon sa batikang showbiz insider na si Ogie Diaz, isang pelikula ang nakatakdang ipagawa tungkol sa makulay na buhay ng "Ulirang Ina" awardee na si Angelica Yulo. Ibinunyag ni Ogie ang tungkol sa balitang ito sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.
Tila puno ng pagmamalaki si Karl Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nang ibahagi niya ang pinakamahalagang bagay na libre niyang natanggap mula sa kaniyang mga tagumpay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh