Bangko Sentral ng Pilipinas, inilunsad ang kauna-unahang Polymer Banknote Series

Bangko Sentral ng Pilipinas, inilunsad ang kauna-unahang Polymer Banknote Series

  • Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series na may denominasyong P500, P100, at P50
  • Mas matibay, mas malinis, at may advanced security features ang mga bagong polymer banknote
  • Inaasahang ilalabas ang mga banknote na ito sa sirkulasyon sa unang quarter ng 2025
  • Layunin ng FPP Banknote Series na magdala ng makabagong sistema ng salapi sa bansa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Opisyal na ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kauna-unahang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series, na magtatampok ng mas matibay, mas malinis, at mas ligtas na salapi.

Bangko Sentral ng Pilipinas, inilunsad ang kauna-unahang Polymer Banknote Series
Bangko Sentral ng Pilipinas, inilunsad ang kauna-unahang Polymer Banknote Series
Source: Facebook

Ang serye ay binubuo ng mga denominasyong P500, P100, at P50, na may mga modernong disenyo at teknolohiyang magpapahusay sa seguridad at tibay ng mga banknote. Ang mga polymer banknote ay idinisenyo upang maging mas matagal ang buhay kumpara sa tradisyunal na papel na salapi, habang mas madali ring linisin at mas mabuting gamitin para sa kalikasan.

Inaasahang ilalabas ang FPP Banknote Series sa sirkulasyon sa unang quarter ng 2025. Ipinahayag ng BSP na layunin ng inisyatibong ito na isulong ang mas makabagong sistema ng salapi sa bansa.

Read also

Heart Evangelista, may bonggang pa-raffle sa kanyang team

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay ang pangunahing institusyong pampinansyal sa Pilipinas na may tungkuling pangalagaan ang katatagan ng salapi, kontrolin ang implasyon, at tiyakin ang maayos na daloy ng ekonomiya sa bansa. Itinatag ito noong Hulyo 3, 1993, bilang kapalit ng Central Bank of the Philippines sa ilalim ng New Central Bank Act (Republic Act No. 7653), na kalaunan ay pinalitan ng Republic Act No. 11211 upang palawigin ang mga kapangyarihan at awtoridad nito.

Matatandaang nagbahagi si Priscilla Meirelles sa kanyang IG Stories na naireport na niya sa tamang mga awtoridad ang insidente kaugnay ng kanyang online bank account. Ayon sa asawa ni John Estrada, iniulat niya ang nangyari sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Hinimok din niya ang lahat na i-report sa BSP kung sakaling sila rin ay maging biktima ng iresponsableng mga bangko. Pahayag ni Priscilla, hindi dapat manahimik ang mga tao sa ganitong usapin at panahon na upang kumilos.

Read also

Video ng fast food service crew na nakapasa sa LET, umantig sa mga netizens

Matapos ang kontrobersiyal na video kung saan ipinakita ni Boy Tapang ang paggawa ng saranggola gamit ang perang papel, kinausap siya ng mga kinatawan mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate