Dating Senador Kiko Pangilinan, nilinaw ang tungkol sa pagdalo nya sa 'Konsyerto sa Palasyo'

Dating Senador Kiko Pangilinan, nilinaw ang tungkol sa pagdalo nya sa 'Konsyerto sa Palasyo'

  • Dumalo si dating Senador Kiko Pangilinan sa Konsyerto sa Palasyo bilang suporta sa lokal na industriya ng pelikula
  • Kasama niya ang asawang si Sharon Cuneta na itinuturing na haligi ng Philippine Cinema
  • Ipinahayag ni Pangilinan ang suporta sa desisyon ng Malacañang na ipagbawal ang POGOs at ipagtanggol ang soberanya ng bansa
  • Nilinaw niyang ang kanilang pagdalo ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa kanilang prinsipyo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nilinaw ni dating Senador Kiko Pangilinan ang dahilan ng kanyang pagdalo sa "Konsyerto sa Palasyo" matapos makatanggap ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Dating Senador Kiko Pangilinan, nilinaw ang tungkol sa pagdalo nya sa 'Konsyerto sa Palasyo'
Dating Senador Kiko Pangilinan, nilinaw ang tungkol sa pagdalo nya sa 'Konsyerto sa Palasyo'
Source: Facebook

Ayon sa dating senador, dinaluhan niya ang konsyerto bilang suporta sa lokal na industriya ng pelikula at dahil na rin sa imbitasyon ng Malacañang. Kasama rin niyang dumalo ang kanyang asawang si Sharon Cuneta, na itinuturing na isa sa mga haligi ng Philippine Cinema.

Nagpasalamat si Pangilinan sa Malacañang sa kanilang pagpapahalaga sa industriya ng pelikulang Pilipino. Kasabay nito, ipinahayag niya ang suporta sa desisyon ng administrasyon na ipagbawal ang POGOs at ang paninindigan nito sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa laban sa agresyon ng China.

Read also

Heart Evangelista at Chiz Escudero, binalikan ang panahong nagka-problema ang marriage nila

“Showing up to support and appreciate the initiatives of Malacañang that we ourselves support and advocate does not mean we have abandoned our principles,” saad ni Pangilinan, na nilinaw na ang kanilang pagdalo ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa kanilang paninindigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Konsyerto sa Palasyo ay ginanap bilang pagkilala sa mga artista at manggagawa sa lokal na pelikula, na layuning buhayin at palakasin ang industriya sa pamamagitan ng mga inisyatiba ng pamahalaan.

Si Francis "Kiko" Pangilinan ay isang abogado, dating senador, at tagapagtaguyod ng agrikultura at reporma sa lupa sa Pilipinas.Siya ay asawa ng aktres na si Sharon Cuneta at ama nina Frankie, Miel, at Miguel. Nagsilbi siya bilang senador mula 2001 hanggang 2013 at muli noong 2016 hanggang 2022, kung saan ipinaglaban niya ang mga karapatan ng mga magsasaka at sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng programang "Sagip Saka".

Matatandaang ibinunyag ng beteranang personalidad sa showbiz na si Cristy Fermin na natalo siya sa limang kaso ng libel na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Sharon Cuneta at dating senador na si Francis "Kiko" Pangilinan.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is'

Kamakailan ay nagbahagi ang megastar ng ilang litrato sa social media kung saan kasama niya ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Unang Ginang na si Liza Araneta-Marcos. Sa isang larawan, makikita rin ang kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate