Anak ni Mary Jane Veloso: “Mararanasan ko na pong magkaroon ng nanay”

Anak ni Mary Jane Veloso: “Mararanasan ko na pong magkaroon ng nanay”

Ipinahayag ng anak ni Mary Jane Veloso na si Darren ang pasasalamat sa Indonesian government dahil sa makakauwi na ang kanyang ina sa Pilipinas bago mag-Pasko

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ayon kay Darren, mararanasan na niya ang magkaroon ng nanay matapos ang mahigit isang dekadang pagkakahiwalay

Kinumpirma ng isang opisyal ng Indonesia noong Disyembre 6 na makakabalik si Veloso sa Pilipinas bago mag-Pasko at hindi na matutuloy ang huling compassionate visit

Si Mary Jane Veloso ay na-aresto noong 2010 at nasentensyahan ng kamatayan noong 2015 dahil sa pagtatangkang magdala ng droga sa Indonesia

Nagpasalamat si Darren Veloso Candelaria, anak ni Mary Jane Veloso, sa pamahalaan ng Indonesia matapos ipahayag na makakauwi na sa Pilipinas ang kanyang ina bago mag-Pasko. Sa isang panayam sa News5 nnayong Linggo, Disyembre 15, ikinuwento ni Darren na siya ay isang taon at apat na buwan lamang nang makulong ang kanyang ina sa Indonesia.

Anak ni Mary Jane Veloso: “Mararanasan ko na pong magkaroon ng nanay”
Anak ni Mary Jane Veloso: “Mararanasan ko na pong magkaroon ng nanay”
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nagpapasalamat po ako sa Indonesian government dahil po sa wakas po makakalaya na yung mama ko," ani Darren. "Mararanasan ko na pong magkaroon ng nanay," dagdag pa niya.

Read also

Ogie Diaz: "Let's give Anthony and Maris Racal a chance"

Noong Disyembre 6, kumpirmado ng isang opisyal sa Indonesia na makakabalik na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso bago mag-Pasko. Dahil dito, inihayag ng pamilya ni Veloso na hindi na matutuloy ang inaasahang huling compassionate visit, at si Veloso ay magsisimula ng proseso ng kanyang paglipat mula sa kulungan sa Yogyakarta patungong Jakarta para sa kanyang pagbalik sa Pilipinas.

Si Mary Jane Veloso ay na-aresto noong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng kamatayan noong 2015 matapos masangkot sa kasong smuggling ng 2.6 kilo ng her0in. Pinagdiinan ni Veloso sa kanyang paglilitis na siya ay nalinlang at hindi alam na may droga sa loob ng kanyang maleta na ipinadala sa kanya ng kanyang recruiter.

Ang pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas ay isang mahalagang hakbang para sa kanyang pamilya na muling magka-buo at magsimula ng panibagong buhay matapos ang mahigit isang dekadang pagkakahiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate