VP Sara Duterte, nilinaw ang kontrobersyal na pahayag tungkol sa 'assassination'

VP Sara Duterte, nilinaw ang kontrobersyal na pahayag tungkol sa 'assassination'

- Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang pahayag tungkol sa "assassination" ay hindi isang banta kundi pagtukoy sa banta sa kanyang seguridad

- Sinabi niya sa Zoom press conference na ang paggamit niya ng salitang "kung mamatay ako" ay nagmumungkahi na may umiiral nang banta laban sa kanya

- Inihambing niya ang pahayag sa nauna niyang kontrobersyal na komento tungkol sa paghukay ng labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at pagtatapon nito sa West Philippine Sea

- Iginiit ni Duterte na ang kanyang mga salita ay hindi "actionable" o nangangahulugan ng aktwal na balak gawin

Binigyang-linaw ni Vice President Sara Duterte noong Sabado na ang kanyang kontrobersyal na pahayag na papatayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Speaker Martin Romualdez, at Unang Ginang Liza Araneta Marcos kung siya ay mapaslang ay hindi isang banta, kundi pagtukoy sa umano'y banta sa kanyang seguridad.

VP Sara Duterte, nilinaw ang kontrobersyal na pahayag tungkol sa 'assassination'
VP Sara Duterte, nilinaw ang kontrobersyal na pahayag tungkol sa 'assassination'
Source: Facebook

Sa ulat ng 24 Oras Weekend ni Jonathan Andal, ipinaliwanag ni Duterte na layunin niyang bigyang-diin ang panganib na kanyang nararamdaman.

Read also

Arra San Agustin binahagi ang pananaw tungkol sa infidelity: "Hindi ako option"

"Hindi naman yata mahina 'yung volume noong Zoom press conference. Sinabi ko, 'Kung mamatay ako.' Ibig sabihin, in the first place, meron nang threat sa akin. Pero tila wala silang pakialam sa pangamba ko para sa sarili kong seguridad dahil may naririnig ako," paliwanag ni Duterte.

Inihalintulad ng pangalawang pangulo ang kanyang pahayag sa nauna niyang kontrobersyal na komento noong nakaraan, kung saan sinabi niyang kung magpapatuloy ang mga pag-atake laban sa kanya, huhukayin niya ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"It's the same as 'Itapon ang bangkay sa West Philippine Sea...' which was... talking about doing it is not actionable,"dagdag niya.

Patuloy na umaani ng iba't ibang reaksyon ang kanyang mga pahayag mula sa publiko at mga eksperto sa pulitika.

Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas at nagsisilbi ring Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Siya ang anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Elizabeth Zimmerman. Bago maging Pangalawang Pangulo, tatlong termino siyang nanungkulan bilang alkalde ng Lungsod ng Davao, kung saan kilala siya bilang isang matapang na lider at tinaguriang "Inday Sara" ng kanyang mga tagasuporta.

Read also

Sue Ramirez, nag-post ng picture kung saan makikita si Dominic Roque

Humagulgol si Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ni VP Sara Duterte, nang malapit na siyang ilipat sa Veterans Memorial Hospital - Mahigpit niyang niyakap ang pangalawang pangulo at nakiusap na huwag siyang iwan.

Hayagang minura ni VP Sara Duterte sina Pangulong Bongbong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. Nagsagawa si Duterte ng isang midnight press conference noong Sabado, Nobyembre 23, kung saan kanyang tinuligsa ang umano’y panggigipit na nararanasan ng Office of the Vice President mula sa administrasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate