Super Typhoon Pepito, nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas

Super Typhoon Pepito, nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas

Sinira ng Super Typhoon Pepito (Man-yi) ang mga puno, linya ng kuryente, at bubong habang dumaan ito sa Catanduanes noong Sabado ng gabi

Mahigit 650,000 katao ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan bilang pag-iingat laban sa posibleng mapaminsalang epekto ng bagyo ayon sa national weather service

Walang naiulat na casualty sa probinsya, ayon kay Catanduanes Provincial Disaster Operations Chief Roberto Monterola, dahil sa agarang paglikas ng mga residente

Ibinahagi ni Mayor Cesar Robles ng Panganiban ang mga larawan ng nasirang linya ng kuryente at kabahayan sa social media matapos tamaan ng bagyo ang kanilang bayan

Isa na namang malakas na bagyo ang tumama sa Pilipinas matapos manalasa ang Super Typhoon Pepito (Man-yi) nitong Linggo, na nagdulot ng malawakang pinsala sa imprastruktura. Ayon sa ulat, binunot ng bagyo ang mga puno, pinabagsak ang mga linya ng kuryente, at pinatalsik ang mga yero sa bubong habang humahagupit ito sa mga isla ng bansa na madalas nang tamaan ng bagyo.

Read also

Bonggang entrance ng BINI sa Grand Biniverse concert day one, mabilis nag-viral

Super Typhoon Pepito, nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas
Super Typhoon Pepito, nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas (Asintado Sa Radyo | Facebook)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagtala ang naturang bagyo ng pinakamalakas na hangin na umaabot sa 185 kilometro kada oras (115 milya kada oras) nang mag-landfall ito sa isla ng Catanduanes noong Sabado ng gabi. Bagaman bihira ang populasyon sa nasabing lugar, nakaranas pa rin ito ng matinding hagupit ng bagyo.

Ayon sa National Weather Service, mahigit 650,000 katao ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan bago dumating ang bagyo. Nagbabala rin sila na maaaring magkaroon ng "posibleng mapaminsalang epekto" na nagbabantang panganib sa buhay ng mga residente.

Sinabi ni Roberto Monterola, hepe ng Provincial Disaster Operations ng Catanduanes, sa panayam ng Agence France Presse na walang naiulat na casualty, marahil dahil na rin sa pagsunod ng mga tao sa kautusan ng paglikas. Ayon kay Monterola, lahat ng bayan sa Catanduanes ay nnaapektuhan subalit inaasahan nilang mas malala ang sitwasyon sa mga bayan sa hilaga ng probinsya.

Kabilang sa mga lugar na direktang hinagupit ng bagyong Pepito ang bayan ng Panganiban sa hilagang-silangang bahagi ng Catanduanes. Base sa mga litratong ibinahagi ni Mayor Cesar Robles sa kanilang opisyal na Facebook page, makikita ang mga nagbagsakang linya ng kuryente, nasirang mga bahay, at mga puno at yero na nagkalat sa mga kalsada.

Read also

Mercy ng bandang Aegis matapos ang kanyang surgery: "pag-pray niyo ako guys please!"

Ang mga awtoridad ay patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri sa lawak ng pinsala habang umaasa silang makababalik agad sa normal ang pamumuhay ng mga residente matapos ang nagdaang unos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: