Super Typhoon Leon, nakaamba sa Northern Luzon; malakas na hangin at ulan, inaasahan

Super Typhoon Leon, nakaamba sa Northern Luzon; malakas na hangin at ulan, inaasahan

- Patuloy na nagbabanta ang Super Typhoon Leon sa Extreme Northern Luzon na may taglay na lakas ng hangin na 185 kph malapit sa gitna at bugso na 230 kph

- Nakakaapekto ito sa hilagang at silangang bahagi ng Luzon, habang ang trough nito ay nagdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas

- Inaasahang lalapit ang bagyo sa Batanes ngayong gabi hanggang bukas ng umaga na may posibilidad na tumama sa kalupaan

- Inaasahan itong tatama sa silangang baybayin ng Taiwan at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes

Patuloy ang pagbabantay sa Super Typhoon Leon na nagbabanta sa Extreme Northern Luzon, ayon sa ulat ng PAGASA kaninang umaga.

Super Typhoon Leon, nakaamba sa Northern Luzon; malakas na hangin at ulan, inaasahan
Super Typhoon Leon, nakaamba sa Northern Luzon; malakas na hangin at ulan, inaasahan
Source: Facebook

Ayon sa PAGASA, bandang alas-10 ng umaga, ang sentro ng bagyong Leon ay namataan sa layong 350 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna nito, at may bugso na hanggang 230 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilagang-kanlurang direksyon sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Read also

Gerald Anderson, nagpasalamat sa naging bahagi ng paghatid ng donasyon sa Batangas

Sa kasalukuyan, ang bagyo ay labis na nakakaapekto sa hilagang at silangang bahagi ng Luzon, habang ang kanyang trough ay nagdadala rin ng ulan sa ilang bahagi ng Visayas. Ayon pa sa PAGASA’s Bicol River Basin Flood Forecasting and Warning Center, inaasahang unti-unting bababa ang lebel ng tubig sa mga pangunahing ilog at lawa sa rehiyon ng Bicol.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inaasahang pinakamalapit si Leon sa Batanes mamayang gabi hanggang bukas ng umaga, Oktubre 31, na may posibilidad ng pagtama sa kalupaan na hindi isinasantabi ng mga eksperto.

Kapag hindi nagbago ang takbo nito, inaasahan itong tatama sa silangang baybayin ng Taiwan bukas at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa parehong araw o sa Biyernes ng madaling araw.

Ang Bagyong Leon ay isang Super Typhoon na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Oktubre 2024. May dala itong napakalakas na hangin na umaabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may bugso na 230 kilometro kada oras.

Read also

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon: "Naligo nalang kami sa ulan"

Samantal, isang kaanak ng anim na nasawi sa landslide sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas ang nag-aapela na maiuwi ang mga labi ng kanyang pamilya sa Masbate matapos ang trahedyang dulot ng malakas na pag-ulan na hatid ng Bagyong Kristine.

Isang lolo ang itinuturing na bayani matapos niyang iligtas ang kanyang pamilya sa mataas na baha, subalit nagbuwis ng buhay matapos mapulikat at hindi na makalangoy. Sa kuwento ng kanyang anak na si Kristine Esplago, isinakripisyo ng kanilang ama ang sarili upang tiyaking ligtas ang pamilya habang nasa bubong sila ng kanilang tahanan na halos napuno na ng tubig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: