Isang taong gulang sa Quezon, nasawi matapos maanod ng baha

Isang taong gulang sa Quezon, nasawi matapos maanod ng baha

- Nasawi ang isang taong gulang na bata sa Quezon province sa pananalasa ng Bagyong Kristine

- Sinasabing naanod umano ang bata sa rumaragasang baha sa kanilang lugar.

- Sa kasamaang palad, sa may dagat na nakita ng mga rescuers ang katawan nito

- Tulad ng Bicol Region isa rin ang probinsya ng Quezon ang nakararanas ng hagupit ng bagyong Kristine

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Patay ang batang lalaking may edad isang taon at walong buwan matapos na ito'y mahulog sa kanal at matangay ng rumaragasang baha sa San Andres, Quezon, noong Oktubre 22 ng umaga.

Isang taong gulang sa Quezon, nasawi matapos maanod ng baha
Isang taong gulang sa Quezon, nasawi matapos maanod ng baha (Quezon PNP)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ABS-CBN News, natagpuan ang labi ng bata sa dagat, tanghali na ng nasabing araw.

Batay sa nakalap na impormasyon ng San Andres Police, natutulog ang nanay ng bata at isa pa nitong anak. Doon nakalabas ang bata sa kanilang gate at hinihinalang nakapaglaro pa sa gilid ng kanal bago ito mahulog.

Read also

Albay, hindi lang binaha; nakaranas din umano ng lahar flow

Sa lakas ng alon ng tubig baha, inanod umano ito. Ilang residente ang agad namang tumulong at tumawag pa ng mga rescuers.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad ding inabangan ng mga rescuer ang bata sa dulo ng kanal patungong dalampasigan. Ngunit sa tindi ng agos, lumusot ang bata at sa kasamaang palad, natagpuan na ito ng mga rescuer na nakalutang malapit sa dalampasigan.

Nasagip pa ang bata at dinala sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara na itong dead on arrival.

Bukod sa Probinsya ng Quezon, isa rin ang Bicol Region sa labis na nakararanas ng hagupit ni Kristine.

Sa ulat ng DZRH Naga, sinabing hirap na umano ang mga rescuers sa lugar lalo na sa kasagsagan ng bagyo pagpasok ng Oktubre 23. Gayunpaman, patuloy ang panawagan nila ng tulong sa anumang uri o paraan na makakaya.

Read also

Residente sa Albay, dinig ang iyak at sigaw ng tulong sa pananalasa ni Kristine

Samantala, narito ang ilang larawan ng insidente sa San Andres mula sa 92.7 Brigada News FM Lucena:

Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Kristine ay huling nakita 345 km sa silangan hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte, na kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 10 km bawat oras. Si Kristine ay may taglay na hangin na 75 km bawat oras malapit sa sentro, na may pagbugso na umabot hanggang 90 km bawat oras.

Sinabi rin ni PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja na maaaring lumakas pa ang "Kristine" at maging isang malubhang tropikal na bagyo bago ito inaasahang tumama sa lupa sa mga darating na araw.

Kabi-kabilang mga video at photo update ang ibinabahagi ng netizens upang maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga kababayan natin sa Bicol region na siyang nakararanas ng matinding hagupit ng Bagyong Kristine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica