Mayor Alice Guo, inilista si 'Wen Yi Lin' sa bank accounts ayon sa AMLC

Mayor Alice Guo, inilista si 'Wen Yi Lin' sa bank accounts ayon sa AMLC

- Ayon sa AMLC, boluntaryong inilista ni Alice Guo si Wen Yi Lin bilang kanyang ina sa pagbubukas ng kanyang mga bank account

- Sa Senate panel hearing, kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian na matagal nang inilista ni Guo si Wen Yi Lin bilang kanyang ina sa mga dokumento, kahit bago pa lumabas ang kontrobersya

- Ito ay kasunod ng pahayag ni Atty. Emmett Manantan ng AMLC na ang pangalang "Wen Yi Lin" ang naiulat na ginamit ni Guo sa kanyang mga transaksyon

- Ayon kay Gatchalian, ang pangalang "Amelia Leal" na dati nang ipinakilala ni Guo bilang kanyang ina ay posibleng kathang-isip lamang

Ibinunyag ng Anti Money Laundering Council (AMLC) na boluntaryong inilista ni suspended Bamban Mayor Alice Guo si Wen Yi Lin bilang kanyang ina nang magbukas siya ng mga bank account. Kinumpirma ito ni Atty. Emmett Manantan, Director ng AMLC’s Investigation and Enforcement Department, sa mga senador noong Miyerkules.

Read also

Ara Mina, naiyak nang maalala ang matinding sinabi ng bashers sa kanya noon

Mayor Alice Guo, inilista si 'Wen Yi Lin' sa bank accounts ayon sa AMLC
Mayor Alice Guo, inilista si 'Wen Yi Lin' sa bank accounts ayon sa AMLC
Source: Facebook

Sa pagdinig ng Senate panel on women’s hearing tungkol sa Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos), tinanong ni Sen. Sherwin Gatchalian kung ano ang ginamit na pangalan ng ina ni Guo nang magbukas siya ng mga bank account.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Muling nilinaw ni Gatchalian kung inilista ba ni Guo si Wen Yi Lin bilang ina niya, at sinang-ayunan ito ni Manantan.

“So in other words, when she opened her account, she voluntarily listed that her mother’s maiden name is Wen Yi Lin. There’s Leal, but we all know that Leal is just a figment of imagination,” sabi ni Gatchalian.

“This means, even before this issue came out, she’s voluntarily listing Wen Yi Lin as her mother. This is similar to the Bureau of Immigration documents,” kanyang idiniin.

Si Alice Leal Guo ang Punong Bayan ng Bamban, Tarlac. Siya ay nanalo bilang punong bayan sa mga pambansang eleksyon noong 2022. Siya ay naging kilala sa buong bansa matapos madawit ang kanyang pangalan sa patuloy na imbestigasyon ng Senado ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at sa alegasyon ng paglaganap ng mga ilegal na dayuhang naninirahan sa bansa. Ang kanyang pangalan ay naging paksa ng maraming online memes mula noon.

Read also

Heart Evangelista, binahagi ang pinagdaanang hirap bago naimbita sa fashion week

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagtanong sa tunay na pagkakakilanlan ng suspindidong punong-bayan ng Bamban. Nitong Miyerkules, ipinakita ng senadora ang isang dokumento kung saan makikita ang isa pang "Alice Leal Guo."

Sinabi ni Sen. Hontiveros sa isang pahayag na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakumpirma na ang mga fingerprint ni Mayor Guo ay tumutugma sa may-ari ng nabanggit na Chinese passport na si Guo Hua Ping.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel