Victor Consunji, nagpost ng picture kasama ang baby at si Rachel Carrasco

Victor Consunji, nagpost ng picture kasama ang baby at si Rachel Carrasco

- Nag-post na rin si Victor Consunji ng picture kasama si Rachel Carrasco at baby na nakahiga sa kanyang tiyan

- Ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Victor ng picture kasama si Rachel at ang baby na laging kasama nito sa kanyang mga post

- Binanggit ni Victor sa kanyang hashtags na sapat na sa kanya na mayroong 4 hanggang 5 anak sa edad na 45

- Si Victor ang dating asawa ng beauty queen na si Maggie Wilson

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Victor Consunji ng picture kasama si Rachel Carrasco at isang baby na nakadapa sa kanyang tiyan. Ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Victor ng picture kasama si Rachel at ang baby na laging kasama nito sa kanyang mga post.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Victor Consunji, nagpost ng picture kasama ang baby at si Rachel Carrasco
Victor Consunji, nagpost ng picture kasama ang baby at si Rachel Carrasco (@victorconsunji)
Source: Instagram

Idinaan niya sa hashtags ang kanyang post kung saan binanggit niyang sapat na sa kanya na mayroong 4 hanggang 5 anak sa edad na 45.

This beauty had a long day. #NotMe #TheLittleGirlOnMyTummy #IGuessIAmTheCrib #SomeoneAskedIfIShouldHaveABabyAfter45 #ISaidNo #4To5BabiesAreMoreThanEnough

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang dating asawa ni Victor Consunji na si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal sila ni Victor at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonsense na nangyayari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel