Single mom, natagpuang patay sa Bulacan; ex-boyfriend na suspek, arestado na

Single mom, natagpuang patay sa Bulacan; ex-boyfriend na suspek, arestado na

- Si Regine Sebastian, isang single mom sa Bulacan, ay natagpuang patay sa kanyang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ang kanyang dating nobyo na si Kerwin "Pipoy" Kabigting Ramos ay inaresto bilang main suspek

- Nakita umano ng pulis sa CCTV ang pagpunta at pag-alis ni Pipoy sa bahay ni Regine sa estimated time of death ng biktima

- Isang kable ng charger ang nakapulupot sa leeg ng bangkay ni Regine at puno rin ng pasa ang kanyang katawan

Isang 30 anyos na single mom sa San Miguel, Bulacan ang natagpuang patay sa kanyang bahay.

Ayon sa video report ng GMA news program na Saksi, kinilala ang biktima na si Regine Sebastian.

Single mom, natagpuang patay sa Bulacan; ex-boyfriend na suspek, arestado na
Single mom, natagpuang patay sa Bulacan; ex-boyfriend na suspek, arestado na (Screengrab from Saksi / GMA News / Jhen Sebastian)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

11-anyos sa audience ng AGT, naging instant contestant at na-golden buzzer pa

Inaresto naman ang ex-boyfriend ni Regine na si Kerwin Kabigting Ramos, alyas Pipoy, na siyang suspek sa krimen.

Sa initial investigation ng pulis ay nakita sa CCTV ang pagpunta at pag-alis ni Pipoy sa bahay ni Regine sa estimated time of death ng biktima. May mga umano’y chat messages din na nakita ang kapulisan na nagpatibay ng kaso laban kay Pipoy, na tumanggi naman sa mga akusasyon laban sa kanya.

May nakapulupot na kable ng charger sa leeg ng bangkay ni Regine at puno rin ng pasa ang kanyang katawan.

Base sa imbestigasyon, nakita pa ng 10-anyos na anak ng biktima ang naganap na krimen.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may panghahalay na naganap bago ang pagpaslang sa biktima.

Nitong Sabado lamang ay ipinagdiwang pa ni Regine ang kaarawan ng kanyang anak. Linggo nang pinaslang ang single mom.

Bukod kay Regine Sebastian, isa pang murder case na napabalita sa buong bansa ay ang pagpaslang sa Maguad siblings.

Read also

Skusta Clee, iniba na ang lyrics ng kanyang kantang "Zebbiana"

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel