Ilang PBB Batch One housemates, nagdiwang ng kanilang 20th anniversary
- Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkita-kita ang kauna-unahang housemates ng Pinoy Big Brother
- Ito ay para ipagdiwang ang ika-20 na anibersaryo ng kilalang reality show ng ABS-CBN
- Matatandaang minsan na rin silang nagkaroon ng get together kamakailan kung saan nakasama si Sam Milby na isa na ngayong kilalang aktor
- Taong 2005 nang unang isina-ere ang pinakaunang episode ng PInoy Big Brother na patuloy na tinatangkilik makalipas ang dalawang dekada
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling nagsama-sama ang ilang housemates mula sa unang season ng Pinoy Big Brother upang ipagdiwang ang ika-20 anibersaryo ng tanyag na reality show ng ABS-CBN.

Source: Instagram
Hindi lamang ang tagumpay ng programa ang kanilang ipinagdiwang, kundi maging ang mga personal at propesyonal na narating ng mga kabilang sa orihinal na batch ng PBB.
Tulad na lamang ni Nene Tamayo, ang kauna-unahang tinanghal na big winner ng palabas, ay nakapagtapos kamakailan sa culinary school at nakatakdang magbukas ng sarili niyang restaurant.
Patuloy namang aktibo sa industriya ng libangan si aktor at komedyanteng Jayson Gainza, na isa na ngayong regular sa isang variety show.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, si Rico Barrera ay nakatuon sa larangan ng car accessories at pagsusulat ng mga artikulo ukol sa automotive, kasabay ng kanyang pagkahilig sa mga sasakyan.
Kabilang din sa mga housemate na nagtagumpay sa kani-kanilang karera sina Racquel Reyes, na ngayon ay nasa real estate; Jenny Suico-Garcia, isang teaching assistant na nakabase sa Texas; at Chx Alcala, na ngayo’y gumagawa ng mga fashion accessory.
Matatandaang unang ipinalabas ang Pinoy Big Brother noong Agosto 21, 2005. Kasama rin sa unang batch sina Sam Milby, Say Alonzo, Cassandra Ponti, at Uma Khouny.
Si Tamayo ang nagwagi bilang big winner sa Season 1, habang pumangalawa si Gainza. Nakuha ni Ponti ang ikatlong puwesto, at si Khouny naman ang pumuwesto sa ikaapat.
Ang Pinoy Big Brother (PBB) ay isang reality show ng ABS-CBN na unang ipinalabas noong Agosto 21, 2005 at hango sa orihinal na Big Brother ng Netherlands. Sa palabas, pinapasok ang mga kalahok o housemates sa loob ng Bahay ni Kuya kung saan sila’y sabay-sabay na namumuhay at bantay-sarado ng kamera. Si “Kuya” ang nagbibigay ng mga utos, hamon, at paalala, habang ang publiko naman ang bumoboto kung sino ang mananatili o aalis. Ang huling natitirang housemate ang tinatawag na Big Winner at tumatanggap ng malaking premyo. Naging daan ito upang sumikat ang maraming artista tulad nina Kim Chiu, Sam Milby, James Reid, at Maymay Entrata.
Sa isang episode ng YouTube talk show na Think Talk Tea, kinumusta ng host na si Kring Kim ang Pinoy Big Brother: Otso grand winner na si Yamyam Gucong. Dito, inusisa ni Kring kung saan niya inilaan ang premyong kanyang napanalunan matapos manalo sa reality show. Matapos manalo at makuha ang premyong milyon-milyon, hindi niya sinayang ang pagkakataon at ininvest ang kanyang pera sa lupa at negosyo. Nabili niya ang tatlong ektaryang lupain sa bukid at nagtayo rin siya ng sariling bakeshop na tinawag niyang Yamito’s Bakeshop sa Bohol. Maliban dito, abala rin siya ngayon sa paggawa ng isang Visayas-based production film company, na patunay sa kanyang pagiging madiskarte at mapangarap.
Samantala, pinag-uusapan din ngayon ang isa pang PBB grand winner na si Fyang Smith dahil 'di umano sa mga gawi at akto nito sa publiko. Matatandaang maging si Ogie Diaz ay nagpayo kay Fyang. "Hindi porque tayo yung big winner, tayo yung pinakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya. Wala namang problema sa pagpapakatotoo pero syempre lahat ng sobra nakakasama. So, sumusobra kang nagpapakatotoo, matatalo ka rito. Kasi ija-judge ka nang ija-judge ng mga tao,"ang bahagi ng naging komento ni Ogie kay Fyang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh