Cardong Trumpo ng PGT7, wagi sa puso ng mga Pinoy sa nakamit na 99.5% na boto
-Wagi si Ricardo Cadavero, na mas kilala bilang "Cardong Trumpo," sa grand finals ng Pilipinas Got Talent Season 7
- Naging makasaysayan ang kanyang pagkapanalo dahil sa nakamit na bilang ng boto
- Si Cadavero ang hinahanap umano ng mga judges na mayroong kakaibang talento na tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino
- Sinasabing nakasali na rin siya sa ibang paligsahan sa telebisyon tulad ng PINASikat ng It's Showtime, Talentadong Pinoy ng TV5 at Wil to Win sa Wowowin ngunit sa Pilipinas Got Talent siya pinalad
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Ricardo Cadavero na mas kilala bilang si "Cardong Trumpo" ang pinakabagong tinanghal na kampeon ng Pilipinas Got Talent Season 7 na ginanap noong Linggo, Hunyo 22 sa Solaire Resort Entertainment City, Parañaque City.

Source: Facebook
Naging makasaysayan ang kanyang pagkapanalo sa "The Final Showdown" matapos makuha ang halos 100% ng boto mula sa publiko na noon lamang nangyari sa programa.
Dahil dito, siya ang pinalad ng tumataginting na ₱2 milyon na premyo, na ayon sa kanya ay higit pa sa kanyang inaasahan. Ibinahagi rin ni Cardong Trumpo na may malinaw na patutunguhan ang perang kanyang natanggap at tiniyak niyang hindi magsisisi ang mga taong sumuporta at nagbigay ng tiwala sa kanya upang marating ang tagumpay na ito.
"Pangarap ko lang po na 'yung isang kilong bigas magkasya lang sa tatlong beses sa isang araw pero sobra-sobra itong binigay niyo sa'kin"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa tagal na niyang naging "Trumpo Master" sinasabing nakasali na rin siya sa ilan pang mga paligsahan sa telebisyon tulad ng PINASikat ng It's Showtime, Talentadong Pinoy ng TV5 at Wil to Win sa Wowowin ngunit sa Pilipinas Got Talent siya pinalad.
Ang Pilipinas Got Talent (PGT) ay isang sikat na reality-talent competition show sa Pilipinas na bahagi ng internasyonal na Got Talent franchise. Layunin nitong bigyang pagkakataon ang mga Pilipinong may kakaibang talento—mula sa pagkanta, pagsayaw, magic, acrobatics, hanggang sa iba’t ibang anyo ng performance art. Nagsimula ito noong 2010 at sinusundan ang format na auditions, semifinals, at grand finals. Kilala rin ito sa paggamit ng “Golden Buzzer” na direktang nagpapadala ng contestants sa semi-finals.
Marami nang personalidad ang sumikat dahil sa PGT. Kabilang dito si Jovit Baldivino (Season 1 winner) na naging tanyag na mang-aawit bago siya pumanaw noong 2022, si Marcelito Pomoy (Season 2) na kinilala sa kanyang kakaibang boses na kaya ang male at female tones at lumaban pa sa America’s Got Talent, at si Kristel de Catalina (Season 6) na nagpakitang-gilas sa spiral pole dancing. Sumikat din ang El Gamma Penumbra, isang shadow play group na hindi man nanalo sa PGT ay nagtagumpay sa Asia’s Got Talent at nagkaroon ng international exposure.
Ngayong 2025, bumalik ang Pilipinas Got Talent para sa Season 7 matapos ang pitong taong pahinga. Nagsimula ito noong Marso 29, 2025, at ipinalabas sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at online sa Kapamilya Online Live. Ang bagong panel ng judges ay binubuo nina Freddie "FMG" Garcia, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, at Donny Pangilinan. Sina Robi Domingo at Melai Cantiveros naman ang nagsilbing hosts.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh