Cardong Trumpo sa premyong Php2 milyon: "Di magsisisi yung mga tao na nagbigay sa'kin nito"

Cardong Trumpo sa premyong Php2 milyon: "Di magsisisi yung mga tao na nagbigay sa'kin nito"

- Wagi si "Cardong Trumpo" sa Pilipinas Got Talent Season 7

- Tumataginting na Php 2 milyon ang kanyang napanalunan na umano'y labis-labis pa sa kanyang hiniling

- Nabanggit niya ang paglalaanan niya ng halagang ito at sinabing hindi umano magsisisi ang nagbigay nito sa kanya

- Gumawa rin ng kasaysayan si Cardo dahil sa natanggap niyang halos 100% ng mga bumoto

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Tinanghal na kampeon Pilipinas Got Talent si Ricardo Cadavero aka "Cardong Trumpo" sa "The Final Showdown" noong Hunyo 22 na ginanap sa Solaire Resort Entertainment City sa Parañaque.

Cardong Trumpo sa premyong Php2 milyon: "Di magsisisi yung mga tao na nagbigay sa'kin nito"
Cardong Trumpo sa premyong Php2 milyon: "Di magsisisi yung mga tao na nagbigay sa'kin nito" (ABS-CBN)
Source: Youtube

Tumataginting na Php2 milyon ang halagang kanyang nakuha dahil sa husay at talento niya sa paggamit ng trumpo.

Matatandaang sa mga naunang rounds ng edisyon hanggang sa final showdown nila, hindi nagmintis sa pagbibigay ng nakamamanghang tricks si Cardo gamit ang iba't ibang klaseng trumpo.

Umani talaga ng papuri si Cardo mula sa mga judges na sina Freddie "FMG" Garcia, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, at Donny Pangilinan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Halos pare-pareho ang kanilang nasabi na pawang si Cardong Trumpo na ang kanilang "kakaibang" hinahanap sa edisyong ito at tila hindi sila nagkamali dahil sa ipinamalas na husay ni Cardo na nagpapakita rin ng tradisyon at kulturang Pilipino.

Kaya naman nang pangalanan na siyang pinakabagong nanalo sa PGT emosyonal na sinabi ni Cardo ang kanyang saloobin:

"Pangarap ko lang po na 'yung isang kilong bigas magkasya lang sa tatlong beses sa isang araw. Pero sobra-sobra itong binigay niyo sa'kin. Lord, thank you, at sa inyong lahat, maraming, maraming salamat!"

Dagdag pa ni Cardo, hindi umano magsisisi ang mga taong naging dahilan para makamit niya ang kanyang premyo at tagumpay na tinatamasa ngayon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa ABS-CBN News:

Ang Pilipinas Got Talent (PGT) ay isang sikat na reality-talent competition show sa Pilipinas na bahagi ng internasyonal na Got Talent franchise. Layunin nitong bigyang pagkakataon ang mga Pilipinong may kakaibang talento—mula sa pagkanta, pagsayaw, magic, acrobatics, hanggang sa iba’t ibang anyo ng performance art. Nagsimula ito noong 2010 at sinusundan ang format na auditions, semifinals, at grand finals. Kilala rin ito sa paggamit ng “Golden Buzzer” na direktang nagpapadala ng contestants sa semi-finals.

Marami nang personalidad ang sumikat dahil sa PGT. Kabilang dito si Jovit Baldivino (Season 1 winner) na naging tanyag na mang-aawit bago siya pumanaw noong 2022, si Marcelito Pomoy (Season 2) na kinilala sa kanyang kakaibang boses na kaya ang male at female tones at lumaban pa sa America’s Got Talent, at si Kristel de Catalina (Season 6) na nagpakitang-gilas sa spiral pole dancing. Sumikat din ang El Gamma Penumbra, isang shadow play group na hindi man nanalo sa PGT ay nagtagumpay sa Asia’s Got Talent at nagkaroon ng international exposure.

Ngayong 2025, bumalik ang Pilipinas Got Talent para sa Season 7 matapos ang pitong taong pahinga. Nagsimula ito noong Marso 29, 2025, at ipinalabas sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at online sa Kapamilya Online Live. Ang bagong panel ng judges ay binubuo nina Freddie "FMG" Garcia, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, at Donny Pangilinan. Sina Robi Domingo at Melai Cantiveros naman ang nagsilbing hosts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica