Ogie D sa mga wala pang plataporma: "Paano namin 'to iboboto e wala naman palang plano"

Ogie D sa mga wala pang plataporma: "Paano namin 'to iboboto e wala naman palang plano"

- Nagbigay ng mensahe si Ogie Diaz sa mga kandidato sa Halalan sa Mayo na wala pa umanong plataporma

- Aniya, mainam na habang kumakandidato pa lamang ay may inilalatag na itong plano

- Hindi gaya umano ng ilang pulitiko na sinasabing kapag nanalo na lamang umano, saka na lamang maglalatag ng kanyang plataporma

- Matatandaang kamakailan, natalakay din ni Ogie ang tungkol sa viral video ni Willie Revillame at lolo na may dalang sampaguita na papalapit sana sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz ukol sa mga pulitikong wala pa ring plataporma ngayong nangangampanya na sila para sa eleksyon sa Mayo.

Ogie D sa mga wala pang plataporma: "Paano namin 'to iboboto e wala naman palang plano"
Ogie D sa mga wala pang plataporma: "Paano namin 'to iboboto e wala naman palang plano" (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Partikular na umano iyong mga tatakbong senador na karapat-dapat lamang umanong mapankinggan ng publiko ang plano nito para sa bayan.

"Kung gusto mong maging senador, dapat mayroon ka nang nakaprogramang batas na gusto mong gawin para sa mga Pilipino," ani Ogie sa March 8 episode ng kanyang Showbiz Update channel.

Read also

Rufa Mae Quinto, nawindang sa isa na namang scammer na gumagamit ng kanyang pangalan

"Hindi yung hihintayin mo muna na manalo ka, saka ka makakaisip o mag-iisip ng batas."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Syempre paano magkakaideya yung mga tao? Paano namin 'to iboboto e wala naman palang plano. E ang plano pa niya e, saka pag nanalo."

Dagdag pa ni Ogie, kung palagi na lamang umanong sasambitin ng mga kandidatong ito ay ang pagtulong sa tao, mainam na foundation ang pinasok nito at hindi ang pagiging pulitiko.

"E dapat foundation ang itinayo, hindi dapat tumakbong senador."

Paalala rin ni Ogie na maging mapanuri sa pagpili ng mga ihalalal sa Mayo lalo na ang mga senador na tiyak na may magagawa para sa bayan.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz ay isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Siya ay isang komedyante, aktor, host, showbiz reporter at talent manager. Naging manager siya ni Liza Soberano bago pa ito tuluyang lumisan patungo sa iba't salita Sa ngayon, bukod sa kanyang mga YouTube channel, mapapanood din si Ogie Diaz sa programang Quizmosa.

Read also

Jellie Aw, nilabas ang screenshot ng mensahe mula kay Jam Ignacio

Matatandaang sa naunang episode ng kanyang Showbiz Update channel, natalakay nila nina Mama Loi ang viral video ni Willie Revillame na hindi na napagbigyan umano ang isang sampaguita vendor na papalapit sana sa kanya.

Sinabi ni Ogie na mas mainam pa rin sana kung nagawa ni Willie na maglaan ng kaunting segundo sa matandang nais sana siyang mayakap o kahit na malapitan man lamang. Aniya, mas tatatak sa tao kung sila ay napansin, nakamayan, naakbayan ng mga kumakandidato,

Kamakailan din, isang pasabog ang natalakay nina Ogie sa kanyang Showbiz Update channel tungkol sa 'di umanoy bagong nagpapatibok ng puso ni Kathryn. ito umano ang nakikita nilang dahilan bakit hindi na makaporma pa ang mga kalalakihang nagiging interesadoi sa kanya. Gayunpaman, sinabi ni Ogie na bukas ang kanilang program upang aminin o i-deny ang espekulasyon na ito.

Maging sa kanyang mga social media post, makikita ang mga opinyon ni Ogie pagdating sa mga maiinit na isyu, showbiz man o hindi, sa loob at anse ng mga tun bansa. Doon din siya nakapagbibigay ng payo sa mga tao partikular na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: