Ed Caluag, kinuwento paano maglambing sa kanyang karelasyon

Ed Caluag, kinuwento paano maglambing sa kanyang karelasyon

- Naikwento ni Ed Caluag paano nga ba siya maglambing sa kanyang partner na si Mira

- Isa umano ito sa mga nausisa sa kanila sa programang Lutong Bahay kung saan sila naging panauhin

- Ayon pa kay Mira, anim na taon na silang magkarelasyon ng kilalang paranormal expert sa bansa

- Matatandaang sa programang Kapuso Mo Jessica Soho lalong nakilala si Ed gayung siya ang madalas maimbitahan kung lalo na kung ito at 'Gabi ng Lagim' episodes

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling ibinahagi ng GMA at ng programang Lutong Bahay ang kauna-unahan nilang panayam kay Ed Caluag kung saan isinapubliko niya ang nagpapatibok ng kanyang puso.

Ed caluag
Ed Caluag, kinuwento paano maglambing sa kanyang karelasyon (Lutong Bahay/ GMA News)
Source: Facebook

Matatandaang naging usap-usapan ito at sa kasamaang palad, kabuntot na rin ito ng bashing.Matatandaang naging usap-usapan ito at sa kasamaang palad, kabuntot na rin ito ng bashing.

Gayunpaman, marami pa rin naman ang natuwa nang makitang masaya ang buhay pag-ibig ni Ed sa partner niyang si Mira.

Read also

Jellie Aw, sinagot ang anya'y pang-iintriga ng mga sawsawera

Anim na taon na umano ang relasyon nila at nang matanong si Mira kung masaya ba siya sa kanila ni Ed "sobra" ang naisagot nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang mausisa naman si Ed kung paano ito maglambing sa nobya, sinabi niyang ang pagpapatimpla ng kape ang nagsisilbing paglalambing niya kay Mira.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang kinilig gayung ito ang kauna-unahang pagkakataon na malaman nilang may nagpapasaya pala sa puso ng isang Ed Caluag.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Iba ka sir Ed! Kitang-kita pa na happy ang GF mo sa'yo"
"Naramdaman yata ni Ed Caluag na malakas... Ang tama sa kaya ni Mira"
"Ang sweet! Hindi biro ang six years ah. Congrats sa inyo!'
"Luma-love life pa ang Ed Caluag. At matagal na sila ah"
"Ang cute pala kiligin ni Ed Caluag. YUng GF niya mukhang happy naman talaga sa relasyon nilang dalawa."
"Happy for yo sir Ed.. Mukhang nahanap mo na po ang "The One" mo"

Read also

Babaeng tumalon sa dagat dahil hindi naibili ng milk tea ng kanyang jowa, nasagip

Si Edgardo "Ed" Caluag, ay isang kilalang paranormal investigator sa Pilipinas. Bilang isang eksperto sa mga kababalaghan, madalas siyang lumalabas sa mga programang tulad ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at "Tunay na Buhay," pati na rin sa iba't ibang mga YouTube channels at telebisyon upang magbigay ng kanyang mga opinyon at paliwanag hinggil sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari.

Noong Oktubre 2024, sa isang episode ng "Lutong Bahay" na ipinalabas sa GTV, ipinakilala ni Ed ang kanyang kasintahang si Mira Belle Malaluan. Ayon kay Mira, anim na taon na silang magkasama at lubos ang kanyang kaligayahan sa kanilang relasyon. Ibinahagi naman ni Ed na si Mira ang babae na madalas niyang makita sa kanyang mga panaginip noong kanyang kabataan, kaya't nang magkita sila sa totoong buhay, siya ay labis na nagulat.

Sa isang video na inilabas noong Nobyembre 2024, ibinahagi ni Ed at ng kanyang koponan ang kanilang imbestigasyon sa isang abandonadong ospital. Ang balitang kanilang natuklasan ang nag-udyok sa kanila upang magsagawa ng imbestigasyon sa lugar na iyon.

Read also

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

Bilang isang paranormal expert, patuloy na nagbibigay si Ed ng kanyang mga pananaw at paliwanag hinggil sa mga kababalaghan at hindi maipaliwanag na pangyayari, na nagiging daan upang mapalawak ang kaalaman at pang-unawa ng publiko sa mga ganitong usapin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica