Heart Aquino, nilinaw na na-mental block lang daw siya kaya hindi masyadong nakasagot
- Nilinaw ni Heart Aquino na nagkaroon lamang siya ng mental block kaya hindi niya nasagot ang tanong tungkol sa Comelec
- Inimbitahan siya ni Comelec Chairman George Garcia para sa isang educational tour at briefing upang mas maunawaan ang tungkulin ng ahensya
- Sinabi ni Aquino na mas naiintindihan na niya ngayon ang Comelec at nais niyang hikayatin ang kabataan na maging mas mapanuri sa pagboto
- May posibilidad na maging youth ambassador si Aquino upang makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa eleksyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nilinaw ng 20-taong-gulang na noontime show contestant na si Heart Aquino ang kontrobersyang kinaharap niya matapos siyang mabatikos dahil sa umano'y kakulangan ng kaalaman tungkol sa Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Aquino, nagkaroon lamang siya ng “mental block” dahil sa kaba sa kanyang unang paglabas sa telebisyon.

Source: Facebook
“Hindi lang po ako masyadong knowledgeable pero meron naman po akong kaalaman at na-mental block lang din po ako since first appearance ko rin po sa TV at medyo nakakakaba po talaga,” pahayag ni Aquino sa mga mamamahayag sa Comelec office sa Intramuros, Maynila nitong Martes, Marso 4.
Humarap si Aquino sa Comelec matapos siyang imbitahan ni Chairman George Garcia para sa isang educational tour at briefing. Naging viral siya sa social media matapos ang isang episode ng “It’s Showtime” kung saan hindi niya nasagot ang tanong tungkol sa Comelec sa segment na “SexyBabe.” Sa kanyang pagbisita sa Comelec, ipinaliwanag ng mga opisyal ang mga pangunahing tungkulin ng ahensya at ang kahalagahan ng pagboto.
Sa kanyang panayam, inamin ni Aquino na hindi siya gaanong nagbabasa tungkol sa Comelec dahil ginagamit niya ang social media bilang libangan mula sa kanyang trabaho. Gayunpaman, matapos ang kanyang pagbisita sa Comelec, sinabi niyang mas naiintindihan na niya ngayon ang ahensya at nais niyang hikayatin ang kanyang henerasyon na maging mas mapanuri sa pagpili ng mga kandidato at aktibong lumahok sa halalan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nilinaw rin ni Aquino na bumoto siya sa nakaraang Sangguniang Kabataan elections, taliwas sa kanyang sagot sa TV na bunga lamang ng kanyang kaba. Dahil sa kanyang bagong pananaw, may posibilidad na maging youth ambassador si Aquino para sa Comelec upang mas mapalawak ang kamalayan ng kabataan tungkol sa eleksyon.
"Si Heart kasi nakikita namin na pwede siyang maging influence sa youth… Heart can be that person who can reach out sa mga kapwa niya kabataan," ayon kay Frances Arabe, Director III ng Comelec’s Standards and Innovation Office.
Matatandaang nagulat si Vice Ganda matapos matuklasan na isa sa kanilang mga contestant ay hindi masyadong pamilyar sa COMELEC. Nangyari ito sa katatapos lamang na weekly finals ng 'SexyBabe' sa kanilang noontime show na 'It's Showtime.'
Ang 20-anyos na weekly finalist ay tinanong, "Ano ang mensahe mo sa COMELEC?" Sa una, sumagot ang contestant ng, "Sorry po, hindi po ako masyadong knowledgeable about sa COMELEC."
Dahil dito, nag-follow-up si Vice Ganda at tinanong ang contestant, "Ilang taon ka na ba?" Sumagot naman ito na siya ay 20 taong gulang.
"Oh my gosh! Nakakabahala yan," sambit ni Vice na tila nag-aalala. Kalaunan, ipinaliwanag naman ni Jhong Hilario na ang COMELEC ay nangangahulugan ng Commission on Elections.
Naitanong din ng mga host kung hindi pa ba naririnig ng contestant ang naturang ahensya mula sa telebisyon o social media. Matapos ipaliwanag kung ano ang COMELEC, muling sumagot ang weekly finalist sa tanong na may kaugnayan sa "vote buying."
Kamakailan ay nagbahagi ng kanilang mga pananaw ang mga host ng 'It's Showtime' matapos ang nag-viral na segment kung saan isang kalahok sa kanilang programa ang hindi alam kung ano ang COMELEC.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh