Ogie Diaz sa 'Saving Grace': "Mugto na naman ang mata ko"
- Muli na naman umanong napaluha si Ogie Diaz sa pinakahuling episodes ng Saving Grace
- Napuri nito ang batang gumaganap na Grace sa tindi ng eksenang naganap sa nasabing episodes
- Dahil dito, tila hindi na makahintay pa ng isa pa muling linggo si Ogie upang mapanood na ang mga susunod na tagpo sa nasabing serye
- Ang 'Saving Grace' ay pinagbibidahan nina Julia Montes at Zia Grace Bataan kung saan kasama rin nila sa serye ang Megastar na si Sharon Cuneta
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Aminadong naluha na naman umano si Ogie Diaz sa Episodes 9 at 10 ng seryeng 'Saving Grace.'
Sa kanyang Facebook story, naglabas ng saloobin si Ogie kung saan napuri rin nito ang batang gumaganap bilang Grace na si Zia Bataan.Sa kanyang Facebook story, naglabas ng saloobin si Ogie kung saan napuri rin nito ang batang gumaganap bilang Grace na si Zia Bataan.
Katunayan, napamura pa si Ogie nang sabihing mugto pa ang kanyang mata sa mga pinakabagong episode ng serye.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Mugto na naman ang mata ko, punyeta" ani Ogie na sinundan naman ng papuri kay Zia na "Apakahusay."
Tila hindi na rin umano makahintay si Ogie ng susunod na Huwebes kung kailan ipalalabas ang susunod na dalawang episodes ng Saving Grace.
Matatandaang minsan nang nag-viral ang mainit na tagpo sa nasabing serye kung saan nagkita na muli si Grace at ang karakter ni Jennica Garcia na si Sarah. Si Jennica ang gumaganap na tunay na ina ni Zia subalit gumulantang sa kanilang manonood ang batuhan nila ng linya sa kanilang pagtatagpo.
Samantala, narito ang kabuuan ng kanyang FB story noong December 26:
Ang 'Saving Grace' ang Philippine Adaptation ng Japanese series na 'Mother.' Pinagbibidahan ito ni Julia Montes. Kasama rin sa naturang serye sina Janice De Belen, Sam Milby, Elisse Joson, Christian Bables at ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.
Matatandaang bago pa man ipalabas ang naturang serye, emosyonal na ibinahagi ni Julia Montes kung gaano kahalaga sa kanya ang series na ito. Bukod sa ito ang pagbabalik serye niya matapos ang pandemya, ito umano ang huling proyektong iniatang sa kanya ng yumaong producer na si Deo Endrinal ng Dreamscape.
Ibinida rin ni Julia ang kwento na talagang kapupulutan umano ng aral ang bawat eksena. Mapapanood mga bagong episodes ng 'Saving Grace' linggo-linggo sa Prime Video.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh