Willie Revillame, emosyonal nang i-anunsyo ang bagong programa: "Goodbye, Wowowin"

Willie Revillame, emosyonal nang i-anunsyo ang bagong programa: "Goodbye, Wowowin"

- Naging emosyonal si Willie Revillame nang i-anunsyo niya ang bagong programa

- Kasabay nito ang pamamaalam niya sa dating programa na "Wowowin"

- Muling mapapanood si Willie mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5

- Matatandaang minsan ding napanood ang "Wowowin" sa AMBS, ALLTV Network na pagma-may-ari ni Manny Villar

Hindi napigilang maging emosyonal ni Willie Revillame nang tuluyan nang mamaalam sa kanyang programang Wowowin.

Willie Revillame, emosyonal nang i-anunsyo ang bagong programa: "Goodbye, Wowowin"
Willie Revillame (TV5)
Source: Facebook

Sa kanyang livestream, kinumpirma rin nito ang bagong programa na mapapanood umano sa TV5.

"For almost seven years, araw-araw ko kayong kasama sa GMA. Maraming mga pagsubok, maraming nangyari, may luha ng kaligayahan. May luha ng hinagpis na araw-araw kong nararamdama," naluluhang nasabi ni Willie.

"Sorry ho naging emotional ako kasi mawawala na ho si Wowowin. Magpapaalam na po ang programang Wowowin," pagkumpirma ni Willie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

YouTube content creators na sina Viy Cortez at Cong TV, ikinasal na

Binanggit na rin niya ang pangalan ng bago niyang pakaaabangan umanong programa.

"May bago na tayong programa dito sa TV5, ang Wil to Win!" ani Willie.

Matatandaang mahigit isang taon din siyang namahinga sa telebisyon man o online matapos na umano'y pansamantalang magsara ng ALL TV na pagma-may-ari ni Manny Villar.

Samantala, narito ang kabuuan ng livestream ni Willie mula sa Facebook page ng TV5:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Samantala, matapos na iwan ang GMA 7 kung saan napapanood ang programa niyang Wowowin, minsan nang naging bahagi si Willie ng ALL TV Network subalit pansamantala rin itong nagsara. Abril ng 2023 tuluyan nan ring pinaterminate ni Willie ang kontrata niya sa nasabing network. Ito ay dahil sa tuloy ang pasahod sa kanya kahit hindi sumasa-ere ang kanyang programa. Aniya, hindi siya papayag sa ganoong sitwasyon gayung pakiramdam niya'y pabigat lamang siya sa nasabing istasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel