Roland "Bunot" Abante, nakakuha ng apat na 'yes' sa America's Got Talent
- Nakakuha ng apat na yes ang Pinoy contestant ng 'America's Got Talent' 2023 na si Roland "Bunot" Abante
- Naikwento ni Roland na isa umano siyang mangingisda sa umaga at habal-habal driver naman sa hapon
- Aniya, hilig niya lamang ang mag-videoke kung saan umano siya nasanay na umawit
- Matatandaang siya ay tinaguriang 'Michael Bolton of the Philippines'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Napa-'yes' ang lahat ng judges ng America's Got Talent sa Pinoy contestant nilang si Roland "Bunot" Abante.
Nalaman ng KAMI na ang tinaguriang 'Michael Bolton ng Pilipinas' ay sumali sa nasabing talent show kung saan sina Heidi Klum, Sofia Vergara, Howie Mandel at si Simon Cowell ang mga judges.
Nilamon ni Roland ang stage sa kanyang bersyon ng 'When a man loves a woman' ni Percy Sledge.
Makikitang namangha ang mga manonood lalong-lalo na ang mga judges sa pagtatanghal ni Roland na nakatanggap pa siya ng standing ovation pagkatapos.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"I don't think you could have done it better. Mic drop.You were amazing. You should be very proud of yourself," ani Heidi Klum na binigyan pa ng 'big hug' si Roland na naging emosyonal bago magtanghal.
"I have a feeling you gonna stop fishing because this is where you needed to be," ang komento naman sa kanya ni Sofia Vergara.
"You were so nervous. I genuinely thought for one moment you were not able to get to do this. And then, that happened. And it actually made me love this audition even more. and I really like you. That was great audition. Really brilliant," komento ni Simon Cowell na nagawa pang lapitan si Roland matapos ang performance nito para siya'y yakapin.
Cristy Fermin calls out Diego Loyzaga for allegedly not honoring commitment: "Ginawa mo kaming tanga"
"I think Simon is really right. It's the emotion and we could feel your heart. And I think everybody just heard a life-changing moment," komento naman ni Howie Mandel.
Narito ang kabuuan ng performance ni Roland na nakakuha umano ng apat na yes mula sa mga judges, dahilan para siya'y umabante sa next round ng kompetisyon.
Ang America's Got Talent ay isang reality show sa Amerika na nagtatampok sa mga amateur performers. Ngayong 2023, ika-18 na season na ng programa na nagsimula pa noong 2006.
Samantala, noong nakaraang taong 2020, sumabak ang kilalang mahusay na performer ng bansa na si Marcelito Pomoy sa nasabing paligsahan.
Marami ang humanga lalo kay Marcelito dahil sa kakayanan niyang kumanta ng mapa-babae o mapa-lalaking boses.
Dahil sa kanyang husay, umabot siya sa Finals ng naturang season ng AGT sa kabila ng mga kinaharap nitong kontrobersya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh