'True Faith' vocalist na si Medwin Marfil, idinetalye ang love story nila ng partner na si Mark

'True Faith' vocalist na si Medwin Marfil, idinetalye ang love story nila ng partner na si Mark

- Naidetalye ng True Faith vocalist na si Medwin Marfil ang love story nila ng partner na si Mark Angeles

- Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas ng 24 Oras, naikwento ni Medwin na HS batchmate niya ang napangasawa

- Aniya, kinaya nila ang long distance relationship at naging malapit lang noong pandemic

- Ang bandang True Faith ang nagpasikat ng mga awiting "Perfect" "Alaala" "Muntik nang maabot ang langit" at "'Wag nalang kaya'

Nakapanayam ng GMA News ang 'True Faith' vocalist na si Medwin Marfil at partner nitong si Mark Angeles.

'True Faith' vocalist na si Medwin Marfil, idinetalye ang love story nila ng partner na si Mark
Medwin Marfil at partner na si Mark Angeles (Meds Marfil FB)
Source: Facebook

Matatandaang gumulantang sa publiko ang post ni Medwin na ikinasal na siya sa Amerika noong May 11.

Sa podcast na 'Updated with Nelson Canlas', nakapagdetalye si Medwin tungkol sa kanilang love story. Aniya, high school batchmate niya si Mark at ang pagsasapubliko umano ng kanilang relasyon ay maging daan upang mas maunawaan sila ng mga tao.

Read also

Vicki Belo, aminadong tawang-tawa sa special mention sa kanya ni Vice sa D10 concert

"'Nung naging kami ni Mark maybe it's time to come out and be proud of myself."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagsimula sa LDR ang relasyon ng dalawa na naging malapit lang umano noong pandemic.

Nasabi rin ni Medwin na babalik na lamang siya sa bansa sakaling kailangan siya ng kanyang banda.

"I told the guys that it's just temporary. As soon as everything's in place, balik-balik lang din."

Nausisa rin ni Nelson kung paanong humantong sa kasalan ang relasyon nina Medwin at Mark gayung pagdating dito sa Pilipinas, hindi na pa rin umano ito kinikilala.

"To solidify," ani Mark patungkol sa pagmamahalan nila ni Medwin.

"If it's something that straight couples wanna do, then we can do it," dagdag naman ng True Faith lead vocals.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ni Nelson Canlas na ibinahagi rin ng 24 Oras, GMA News:

Read also

Ogie D, piniling di sabitan ng money garland ang anak: "Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo"

Ang bandang 'True Faith' ay nabuo noong 1991 kung saan si Medwin Marfil ang isa sa founder at lead vocalist. Sila ang nagpasikat ng mga awiting "Perfect" "Alaala" "Muntik nang maabot ang langit" at "'Wag nalang kaya."

Minsan nang inakala ng publiko na si Medwin ang ama ng bunsong anak ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose. Ito'y matapos na mag-post noon ang aktres ukol sa ama ng anak na si Gwen Garimond Ilagan Guck. Agad naman itong napabulaanan ni Medwin gayung ang dating gitarista ng kanilang banda ang ama ni Gwen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica