Darryl Yap, bigong makumpleto dokumentong hinihingi ng MTRCB para sa TROPP
- Hindi matutuloy ang pagpapalabas sa sinehan ngayong Pebrero ng pelikulang TROPP dahil sa kakulangan ng mga dokumentong hinihingi ng MTRCB
- Inanunsyo ni Darryl Yap na hindi niya agarang nakumpleto ang mga kinakailangang papeles kaya hindi ito maaaring ipalabas sa Pebrero 5
- Pinag-aaralan ng direktor ang posibilidad na ipalabas muna ang pelikula sa labas ng bansa o sa streaming platforms
- Ipinag-utos ng Muntinlupa Regional Trial Court kamakailan ang pagtanggal ng teaser ng pelikula matapos mabanggit ang pangalan ni Vic Sotto
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi matutuloy ang pagpapalabas sa mga sinehan ngayong Pebrero ng kontrobersiyal na pelikulang TROPP, ayon sa direktor nitong si Darryl Yap.
Sa kanyang pinakabagong Facebook post nitong Lunes, Pebrero 3, inanunsyo ni Yap na hindi niya agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
“[B]igo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng pamunuan ng MTRCB,” pahayag ni Yap.
Dahil dito, hindi matutuloy ang nakatakdang pagpapalabas ng pelikula sa Pebrero 5. Dagdag pa ni Yap, pinag-iisipan na nila ang posibilidad na ipalabas muna ito sa labas ng bansa o sa streaming platforms imbes na sa mga sinehan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng hindi inaasahang balita, nagpasalamat pa rin si Yap sa kanyang mga tagasubaybay na patuloy na sumusuporta sa kanyang proyekto.
Matatandaang kamakailan lamang ay ipinag-utos ng Muntinlupa Regional Trial Court na tanggalin ang teaser ng pelikula mula sa iba't ibang platforms matapos mabanggit ang pangalan ng Eat Bulaga host na si Vic Sotto.
Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.
Matatandaang mariing itinanggi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na kasalukuyang sumasailalim sa review ang kontrobersyal na pelikulang "Pepsi Paloma" na idinirek ni Darryl.
Naglabas ng saloobin ang direktor hinggil sa umano'y dagdag na requirements na hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa kanyang bagong pelikula.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh