Ogie D, sa pics ni Sarah Lahbati na may kasama sa HK: "Baka naman kamag-anak ni Sarah"

Ogie D, sa pics ni Sarah Lahbati na may kasama sa HK: "Baka naman kamag-anak ni Sarah"

- Nakatanggap umano ng mga larawan si Ogie Diaz mula sa isang kababayan nating nasa Hong Kong

- Sa mga larawan, makikita si Sarah Lahbati na may kasama umanong lalake sa isang restaurant

- Dahil sa hiya, hindi na nagawang magpa-picture kasama ni Sarah ang Pinoy, kaya siya nalang ang kumuha ng larawan

- Ayon naman kay Ogie, hintayin na lamang umano si Sarah sa posibleng maging reaksyon nito sa mga larawan

Nakatanggap umano si Ogie Diaz ng mga larawan ni Sarah Lahbati na kuha umano ng isang kababayan natin sa Hong Kong.

Ogie D, sa pics ni Sarah Lahbati na may kasama sa HK: "Baka naman kamag-anak ni Sarah"
Sarah Lahbati (@sarahlahbati)
Source: Instagram

Sa mga larawan, makikita si Sarah na may kasama umanong isang lalake sa isang restaurant doon.

"May nagpasa lang sa akin ng mga retrato, ng sighting. Dahil meron tayong kababayan doon na sobrang avid viewer nitong showbiz update natin ano"
"Tapos pinasa niya, nakasabay daw siya sa restaurant sa Hong Kong si Sarah Lahbati. Nasa kabilang table si Sarah, merong kasamang lalake si Sarah. E nahihiya raw siyang magpa-picture. Siya na lang daw nag-picture jay Sarah."

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, wala pang linaw kung kaano-ano ni Sarah ang kasama niya sa Hong Kong kaya't paalala ni Ogie na maghintay sa kung ano ang maaring pahayag ni Sarah ukol sa mga larawan.

"Hindi natin alam kung ito ba ay bagong manliligaw ni Sarah, or baka naman kamag-anak ni Sarah."
"E kasi daw parang natapunan ng something 'yung lalake, pinunasan ni Sarah."
"Hintayin natin. Malay mo, may sasabihin si Sarah sa pictures na 'yan. Baka sabihin niya, that's my friend, that's my relative. That's my cousin. Hintayin natin."

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie at Mama Loi mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Sarah Lahbati ay isang Swiss-born Filipino actress na produkto ng reality show na StarStruck ng GMA. Si Sarah ang tinaguriang StarStruck V's Ultimate Female Survivor matapos ang siyam na linggo sa kompetisyon. Siya ay ikinasal sa aktor na si Richard Gutierrez.

Read also

Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nag-aantay magkaanak: "Eto na malapit na"

Subalit isa sila sa showbiz couples na naghiwalay kamakailan lamang. Binalot ng kontrobersiya ang buhay mag-asawa nina Sarah at Richard nang mapansin ng publiko na hindi na sila madalas magkasama. Katunayan, isa sa mga bagong socmed post ni Richard, tanging mga anak na lamang niya ang kanyang kasama sa isa sa kanilang bonding moments.

Gayunpaman, minsan na ring nilinaw ni Sarah na "okay" sila ni Richard sa kabila ng sinasabing hiwalayan. Abala rin si Sarah sa mga proyekto niya sa pagbabalik showbiz at isa na rito ay ang seryeng kinabibilangan niya, ang 'Lumuhod ka sa lupa.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel