Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Hindi niya kakampi ang panahon"
- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin ukol sa itinatakbo umano ng career ni Liza Soberano
- Ito ay matapos na matanggap ni Kathryn Bernardo ang Outstanding Asian Star at the 18th Seoul International Drama Awards
- Dahil dito, naikumpara umano nina Cristy sa SNN ang nangyayari sa career ni Liza Soberano at Kathryn Bernardo
- Sa ngayon, mayroon na umanong show si Liza, ang 'Liza in Korea' na sinasabing isa ring opsyon niya maliban sa kanyang Hollywood dream
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa tinalakay nina Cristy Fermin, Rommel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na! ay ang nagaganap umano sa career ni Liza Soberano.
Hindi raw kasi umano maiiwasang maikumpara ito sa itinatakbo naman ng career ni Kathryn Bernardo na kamakailan lang ay tumanggap ng Outstanding Asian Star sa 18th Seoul International Drama Awards.
"Itong si Liza Soberano inaalat talaga 'no? Hindi niya kakampi ang panahon. Akalain mo 'yun, walang kamalak-malak na nanalo bilang Best Asian Star itong si Kathryn Bernardo."
Ani Cristy, isa umano sa posibleng dahilan ay ang focus ni Liza sa kanyang karera na sumubok kamakailan sa Hollywood.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Alam niyo po, kalat e. Kalat! Kung ang focus ng isang artista ay kalat, walang mangyayari," ani Cristy.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagsimula nang ipalabas ang bagong programa ni Liza na 'Liza in Korea.'
Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:
Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.
Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.
Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, "Hope" ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang 'Hope' ang ginagamit na pangalan ng aktres.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh