Cristy, sana'y 'di na binawi ang umano'y pag-amin ni Coco: "Anong masama 'dun?"

Cristy, sana'y 'di na binawi ang umano'y pag-amin ni Coco: "Anong masama 'dun?"

- Ayon kay Cristy Fermin, sana'y hindi na umano binawi pa ni Coco Martin ang nasabi nito tungkol sa umano'y relasyon niya kay Julia Montes

- Matapos kasi ang sana'y kumpirmasyon ni Coco, sinabing 'working relationship' ang tinutukoy niya kay Julia

- Gayunpaman, imbis na maging masaya na ang netizens lalo na ang kanilang fans sa pag-amin, tila nadismaya raw muli ang mga ito

- Ayon pa kay Cristy, sa halip na ang umano'y anak ng dalawa ang susunod na aamin ng mga ito, balik muli sa haka-haka ang publiko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Cristy, sana'y 'di na binawi ang umano'y pag-amin ni Coco: "Anong masama 'dun?"
Julia Montes and Coco Martin (@unbreakmyheartofcl)
Source: Instagram

Hindi na raw sana binawi pa ang nasabi umano ni Coco Martin tungkol sa relasyon nila ni Julia Montes ayon kay Cristy Fermin.

Nalaman ng KAMI na hindi na nagulat pa si Cristy maging ang mga kasama niya sa Showbiz Now Na! sa pag-aming ito subalit binawi naman at sinabing 'working relationship' ang tinutukoy ni Coco.

Read also

Ogie Diaz sa possible project nina Sarah at John Lloyd: "Baka mag-level up sila"

"'Di na po kami nabigla. Matagal na po naming alam 'yan. Kaso ang interpretasyon daw po ni Coco Martin ay labing dalawang taon na working relastionship, hindi daw personal na relasyon."

Sa pag-aming naganap, inaasahan pa naman ng publiko na susunod nang aaminin ng dalawa ang tungkol sa kanilang 'di umano'y supling."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"'Yun ang pinakaaabangan ng masang Pilipino. Ang sana, ang susunod nilang 'yung tungkol sa pagkakaroon na nila ng anak. Pero ito pa nga lang relasyon 'e binawi na. Ano pang inaasahan natin?"

Dahil dito, marami rin ang nagko-komentong sa kanyang karakter lang matapang si Coco.

"Matapang lang ang role mo sa pelikula at serye, pero hindi ka matapang humarap sa katotohanan.Ano ba naman 'yung wag niyo nang binawi. Anong masama dun? Inamin niyo na magkarelasyon kayo ng 12 taon na. 'O 'di ba nakakatuwa naka-12 years na kayo. At ang sabi pa ni Coco, gustong-gusto pa rin namin na magkasama kami"

Read also

Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy sa kanilang YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel