Ogie D, sa 'tampo' post ni Xander Arizala: "Kung ako man itong pinariringgan ni Xander, pasensya na"

Ogie D, sa 'tampo' post ni Xander Arizala: "Kung ako man itong pinariringgan ni Xander, pasensya na"

- Nag-react si Ogie Diaz sa post ni Xander Arizala kung saan nagpakita ito ng tampo sa 'di sumipot sa binyag ng anak

- Isa umano si Ogie sa mga ninong ng anak ni Xander kaya naman natanong niya kung siya ang pinatatamaan nito

- Hindi siya nakadalo sa binyag ngunit alam naman daw ito ni Xander at partner na si Gena gayung may taping si Ogie sa araw na iyon at may kalayuan ang Cavite

- Gayunpaman, humingi pa rin ng paumanhin si Ogie at sinabing ipinadala naman niya ang pakimkim sa kanyang inaanak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa post ni Xander Arizala kamakailan tungkol sa umano'y hindi sumipot sa binyag ng kanyang anak.

Ogie D, sa 'tampo' post ni Xander Arizala: "Kung ako man itong pinariringgan ni Xander, pasensya na"
Xander Ford and family (@z4nder.official)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napatanong tuloy si Ogie kung siya ba ang pinatutungkulan ni Xander sa kanyang post.

Read also

Jennica Garcia, naikwento ang ilang buwang walang aircon: "Nasisira kasi pinipilit ko"

Napag-usapan daw kasi nila umano sa one on one interview niya kay Xander na tinatanggap niya ang pagiging ninong ng anak nito.

Subalit hindi nakadalo si Ogie ng binyag gayung may taping siya ng daily show niya sa Pie at may kalayuan ang venue ng pasinaya nina Xander sa Cavite.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ako ba pinariringgan mo Xander Ford? Kung ako man itong pinariringgan ni Xander, pasensya na. Pero hindi ako nag-promise kay Xander na makakarating kasi nga yun nga yung conflict doon," paglilinaw ni Ogie.

"Pero I told Xander na yes, ako ang ninong ng anak mo 'nung kausap ko siya sa one on one interview."
"Pero sabi ko naman ipadadala ko ang aking regalo. E hiningi ko naman kay Xander 'yung kanyang ano, bank details, alam na. Para sa inaanak ko yun."

Read also

MC at Lassy, nasampolan ng sampal ni Maricel Soriano

Pinayuhan na rin niya si Xander sakaling magkakaroon muli ito ng anak na huwag magtampo sa mga hindi nakakadalo ng kanilang naimbitahan.

Si Ogie man ay nakaranas din nito sa limang mga anak niya, mayroon talagang mga ninong at ninang ang mga ito na hindi rin nakadalo.

"Saka Xander alam naman nating may solian ng kandila, 'wag kang magpapasoli ng kandila lalo na't 'di naman tinanggihan 'yung anak mo na maging sila 'yung pangalawang magulang."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Marlou Arizala ay kilala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over na naibahagi rin sa programang Rated K.

Gayunpaman, matapos ang kabi-kabilang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan nga ay naging palaisipan kung sino ang umano'y tinutukoy ni Xander na umano'y hindi nakadalo sa binyag ng anak at may ipinangako pa umanong sasagutin subalit hindi natuloy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel