Ogie D sa 'pagpapakatotoo': "Ayaw mong maging plastik pero mas magandang maging polite"

Ogie D sa 'pagpapakatotoo': "Ayaw mong maging plastik pero mas magandang maging polite"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa usapin ng pagpapakatotoo

- Aniya, mayroon dapat 'timing' sa paggawa nito at hindi niya sinasabi na ito'y mali

- Ibinigay niyang halimbawa ang pagiging polite o ang pagiging civil sa isang taona hindi iniisip ang pagiging plastik

- Generally speaking daw ito at hindi patungkol lamang sa dati niyang alaga na si Liza Soberano tulad ng tanong ng kasama niyang si Ate Mrena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz at mga kasama sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update ay ang usapin ng pagpapakatotoo.

Ogie D sa 'pagpapakatotoo': "Ayaw mong maging plastik pero mas magandang maging polite"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nasabi ito ni Ogie sa kasagsagan ng talakayan sa kontrobersyal na naging pahayag ng dati niyang alaga na si Liza Soberano tungkol sa mga love team sa Pilipinas.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

Diretsa niyang nasabi ang saloobin kabilang na rito ang pagiging 'polite' o magalang sa lahat ng pagkakataon.

"Ako pag-aalis ako, hindi na lang ako magsasalita. Gagawin ko nalang 'yung gusto kong gawin para maging proud sa'kin 'yung mga Pilipino."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yung magpakatotoo walang problema. Kasi hahangaan ka talaga kung magpapakatotoo ka"
"Pero 'yung pagpapakatotoo, nasa timing. Hindi ko sinasabing mali. Parang ano 'yan e, ayaw mong maging plastik pero mas magandang maging polite ka lang naman"

Nilinaw naman niyang wala siyang partilular na tinutukoy sa mga nasabi taliwas sa pabirong tanong ng kasama niyang si Ate Mrena kung para kay Liza raw umano ang mga naging pahayag.

"Generally speaking... Kunwari ayaw ko kay Loi, 'di yung iisnabin ko siyang ganun kasi ayaw ko siya pwedeng polite lang ako. Civil, that's being polite. Hindi ka naging bastos"

Read also

Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Kamakailan, nabanggit ni Ogie na hindi pa umano siya nakatatanggap ng kahit mensahe ng pakikiramay mula sa dating alaga na si Liza Soberano.

Matatandaang sumakabilang buhay na ang ina ni Ogie Diaz na si Nanay Carmen at naihatid na sa huling hantungan noong Abril 28. Subalit sa huling sandali, hindi pa rin umano nagpadala ng anumang mensahe si Liza na talent niya sa loob ng sampung taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel