Ogie Diaz, sinabing imposible umanong pumalit si Willie Revillame sa TVJ ng Eat Bulaga

Ogie Diaz, sinabing imposible umanong pumalit si Willie Revillame sa TVJ ng Eat Bulaga

- Nasabi ng source ni Ogie Diaz na tila imposibleng pumalit si Willie Revillame sa Tito, Vic and Joey ng 'Eat Bulaga'

- Ito ay dahil sa umano'y matunog na rebranding ng noontime show kung saan sinasabing papalitan na ang TVJ

- Bukod kay Willie, usap-usapan din sina Wally Bayola, Jose Manalo at Allan K na sinasabing papalit bilang main host ng 'Eat Bulaga'

- Wala pa mang kumpirmasyon, marami na ang nalulungkot sa pagbabagong magaganap na ito na kinagawian na 43 taon na ang nakalilipas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Imposible umano na si Willie Revillame ang pumalit kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon bilang main host ng Eat Bulaga.

Ogie Diaz, sinabing imposible umanong pumalit si Willie Revillame sa TVJ ng Eat Bulaga
Willie Revillame (Wowowin)
Source: UGC

Ito ay ayon umano sa source ni Ogie Diaz gayung isa sa maiinit na issue ngayon ay ang pagpapalit bihis ng longest running noontime show sa bansa.

Read also

Cristy, nakumpirmang hindi raw totoong si Willie ang papalit sa TVJ ng Eat Bulaga

"Ang nakarating naman sa akin, imposible daw na kunin ni Cong. Jalosjos si Willie para siyang pumalit sa TVJ. Ang awkward naman daw saka sabi ng aking source, si Willie Revillame ba papayag ng walang share bukod sa talent fee?" ani Ogie.

"Kasi hindi naman papayag si Willie Revillame na talent fee lang ang makukuha niya. Kukurot din 'yan sa kita ng show. Pero hindi natin alam isang araw ma-shock na lang tayo... Tama, si Willie Revillame nga 'yun," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, sakali raw na magkatotoo nga ang pag-aalis ng TVJ sa Eat Bulaga, tiyak na mauunawaan ito ng marami gayung nag-iwan naman na ito ng legasiya sa mukha ng telebisyon sa bansa.

"Sakaling magpapahinga na ang Eat Bulaga. Diyos ko naman. Wala nang tatalo sa Eat Bulaga," ani Ogie.

Read also

Maegan Aguilar, may bagong patutsada: "Sa'yo na ang pera mo, I don't need your help"

Narito ang kabuuang detalyeng naihayag ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel niyang Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Samantala, bukod kay Willie Revillame sinasabing sina Wally Bayola, Jose Manalo at Allan K ang ipapalit 'di umano sa Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga.

Mismong ang source naman ni Boy Abunda ang nagsabing wala umanong katotohanan ang lumalabas na poster na si Willie nga ang bagong mukha sa Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel