Ogie Diaz sa kanyang bashers dahil sa bagong vlog ni Liza: "Baka kayo ang mamatay sa gutom"

Ogie Diaz sa kanyang bashers dahil sa bagong vlog ni Liza: "Baka kayo ang mamatay sa gutom"

- May mensahe rin si Ogie Diaz sa kanyang mga bashers matapos ang na lumabas ang vlog ni Liza Soberano

- Kabi-kabilang pambabatikos umano ang natanggap ni Ogie dahil sa naturang video ni Liza

- Ito ay dahil si Ogie umano ang dating manager ng dating Kapamilya actress

- Sa naturang episode din ng Showbiz Update ni Ogie, nasabi niya ang mensahe kay Liza bilang reaksyon sa video nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay mensahe si Ogie Diaz sa kanyang mga bashers matapos lumabas ng vlog ni Liza Soberano.

Ogie Diaz sa kanyang bashers dahil sa bagong vlog ni Liza: "Baka kayo ang mamatay sa gutom"
Ogie Diaz and Liza Soberano (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa kabi-kabilang mga pambabatikos na natatanggap umano ni Ogie bilang dating manager ni Liza.

Sa naturang video, tila mga pasabog ang nasabi ng dating Kapamilya actress na labis na ikinagulat ng marami.

Read also

Xian Gaza to Ogie Diaz: "Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager"

Ilan sa mga ito ay ang hindi niya umano pagkakaroon ng boses upang sabihin kung ano ang kanyang nais na gawin sa sarili niyang proyekto na nagagawa na umano niya sa bago niyang management.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Na maging ang screen name niyang 'Liza Soberano' ay hindi niya kagustuhan, bagkus ibinigay din sa kanya.

Dahil dito, si Ogie Diaz ang napagbabalingan ng publiko sa rebelasyon na ito ni Liza.

"Kaya doon sa mga bashers ko na nagsasabing mukha akong komisyon, mukha akong pera na palibhasa hindi ako ni-renew bilang manager ni Liza na piayaman ako ni Liza Soberano, na kung hindi dahil kay Liza mamamatay ako sa gutom, darling... No man is an island. 'Pag hindi niyo alam ang meaning niyan, baka kayo ang mamatay sa gutom," ani Ogie Diaz patungkol sa mga bagong bashers niya dahil sa umano'y isyu na ito.

Read also

Ogie Diaz, hiling na muling magningning ang career ni Liza Soberano: "Wa Etchos!"

Gayunpaman, sa kabila ng kontrobersiyang ito. Nabanggit ni Ogie na hiling pa rin niya ang muling pagningning ng karera ng dati niyang alaga.

"Siyempre ako bilang former manager... BUksan mo man ang puso ko 'yun ang laman na guto kong mabalik si Liza. Gusto kong magningning ulit ang career niya. Alam ko kaya pa ni Liza. Alam ko may asim pa si Liza. Syempre, iniintay lang siya ng mga fans," aniya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Minsan na ring nabanggit ni Ogie D ang labis na panghihinayan sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas. Nasabi rin niyang labis hindi umano nawalan ng nakahaing proyekto ang ABS-CBN sa tambalang 'Lizquen' subalit ang dalawa na mismo ang hindi nag-aapruba sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel